ANGELA PAGGISING ko, bandang alas kwatro y media ng umaga ay agad akong nagpusod ng buhok kong hanggang dibdib ang haba. Lumabas na rin ako kaagad at nagtungo sa kusina upang maghilamos muna at magmumog bago ko simulan ang pagluluto ng almusal para sa amin. Masaya ako ngayon, mayroong ngiti sa aking mga labi. Hindi ko maipaliwanag kung sa aling bagay ba ako masaya, sa mga regalo bang natanggap ko o sa bagay na sinabi at ginawa sa akin ni Baste. Gayunpaman ay alam kong masaya ako at maging ang damdamin ko dahil sa pamilyang ito na tumanggap sa akin. Habang nagkakape ako ay nagluluto na rin ako ng almusal. Nasa kalagitnaan ako ng pagpiprito ng isda nang mayroong tumabi sa akin na bulto ng tao. Si Baste, naghihilamos. Ayaw ko muna siyang pansinin dahil hindi pa ako handa pero pagkatap