Larena, Siquijor "Kumpleto na ba ang supplies natin, Dino?" Isa-isang binilang ni Contessa ang boxes ng mga supplies na binili nina Dino sa Dumaguete City. Nandito siya sa Larena Port at inaantabayan ang pagdating ng binatilyo kasama ng isa pang tauhan sa resort na pinaglilingkuran niya. "Walang labis, walang kulang, Te." “Pagdating natin sa resort, doon ko na itsi-tsek ang mga pinamili mo.” Maliit lang ang Siquijor at ‘di maiiwasang may mga supplies na sa Dumaguete lang mabibili. Minsan, dumadayo pa si Sir Leo sa Cebu para lang mamili. Nang masigurong maayos nang nakasalansan sa gamit na multicab ang lahat ng boxes at sisidlan, pinaandar na niya ang sasakyan. “’Te, ako na kaya ang magmaneho.” “Ako na. Pagod ka pa mula sa biyahe.” “Si Ate naman, para namang ang layo ng Dumaguete, e