MISTRESS FOR LEASE
WRITTEN BY; MHAYIE
CHAPTER 1;
"Zandie!!! Ano kelan mo balak magbayad sa renta ng bahay? Ang laki na ng palugit ko sayo? Apat na buwan kana hindi naghuhulog sa akin? Alam mo naman diba ang patakaran ? Naawa lang ako sa anak mo pero kailangan korin ng pera kaya pasensyahan tayo kapag hindi kapa nakapaghulog ni isang libo sa linggo! Huwag mo ako punuin Zandie!" Galit na galit na si Aling Marta.
"Pasensya na po Aling Marta!"
"Pasensya? Mabubusog ba ng pasensya ang pamilya ko? Naku Zandie bakit ba kasi hindi ka nalang mag apply sa bar ? Maganda ka naman at kutis gatas marami kapa mabibingwit na matandang mayaman diyan sa Bar o kaya maghanap ka ng Afam!?" Pambubugaw ni Aling Marta.
Minsan hindi rin niya maiwasan matukso lalo pa't gabi gabi siya kinukulit ni Aling Tina na isa sa kilalang bugaw sa lugar nila,pero sa tuwing titignan ko ang Anak ko ,nalalabanan ko dahil ayoko lumaki siya na kinakatyaw ng mga bata o mabastos dahil sa trabaho na iyon kaya kahit magkanda kuba siya sa paglalaba ok lang basta marangal na trabaho.
"Ano? Eachfish Less Zandie? Ano nakapag isip isip kana ba sa Alok ni Tina?" Paenglish english pa na si Aling Marta ,Sasagot na sana siya ng dumating si Ella.
"Hoy Aling Marta, Maria Clara ang kaibigan ko ,kaya huwag mo siya igaya sa pamangkin mo na kapit sa MMM.kung gusto mo ikaw nalang kaya? Tutal may Asim kapa!"
"MMM?"naguguluhang bulalas ni Aling Marta.
"Matandang Mabilis M*mat*y!"
"Maria Clara ba kamo? Eh bakit nabuntis ito ng wala Ama?,buti pa pamangkin binabayran eh iyang si Zandie di na nga naperahan nagpabuntis pa!" Pasmadong bibig na turan ni Aling Marta.
"Hay naku Aling marta kahit kailan pasmado iyang bibig mo wala maidulot ng maganda!" Si Ella na bakas angbinis sa mukha
"Aba bastos na bata ito!?"
"Mana lang po sainyo!!"
"Bweset na babae ito makaalis na nga ayoko masira ang Beuaty ko sayang ang chinchanchu na pinapahid ko sa mukha ko! Ayoko magka Cringle ng dahil sayo!"
"Tigyawat nalang Aling Marta!" Pagtatama ni Ellah na kinatanggap ng irap kay Aling Marta at umalis na ito sa harap nila .
"Huy beshywap kahit anong hirap ng buhay huwag ka gagaya sa mga kapitbahay natin!?"
"Hmmm aminin ko Ellah minsan natutukso narin ako pero ng dahil kay Monic lumilihis ako sa tuwid na kaisipan kaya malaki ang pasasalamat ko binigay siya sa akin!"
"Kaya proud ninang talaga ako diyan sa Inaanak ko!" Masayang turan ni Ella.
Muli pinagpatuloy ni Xandie ang paglalaba na inuwi niya upang labhan sa kanyang bahay at bukas ay ibabalik na niya ito sa pinaglabahan niya .
Hindi biro ang maging Single Mother lalo na sa estado ng buhay niya pero hindi niya ito pagsisihan lalo pa't ito ang nagturo sa kanya upang maging matatag at malakas, kung meron man nangyari sa buhay niya napaipasasalanat niya talaga yun ay ang dumating si Monic sa buhay niya na hindi niya pagsisisihan lalo na sa bata niya lang naramdaman ang tunay na pagmamahal na noon pa man parang may kulang sa puso niya .
Kahit ano gagawin niya huwag lang magaya sa kanya ang Anak niya,nais niya maibigay ang mga bagay na di niya naranasan noong bata siya at pangangailangan ng Anak,dibale na magkanda kuba siya sa trabaho para lang may maibigay siya sa anak huwag lang siya magkulang dito.
"Nanay?" Tumigil siya sa paglalaba ng tawagin ito ni Monic, Bagong gising ito kaya naman mabilis ang kilos na nilapitan niya ito .
"Goodmorning Sweety!" Pagbati ni Zandie sa Anak.
"Nanay gutom Monic!" Turan ng Anak ,niya kaya naman binuhat niya ang anak at dinala sa mesa kung nasaan ang pandesal na binili niya sa halagang bente pesos.
Inupo niya ang Anak upang ipagtimpla ito ng gatas,sa sobrang mahal ng bilihin ginagawa niyang dalawang timplahan ang gatas na binili niya nasa pack lang at hinahaluaan ng tig dodos na asukal mabuti nalang may tinda pa si aling Rose na mga tingi-tingi na asukal at kape kahit na sa sobrang mahal ng bilihin.
Lumapit siya sa Anak at pinainom ito ng gatas pinagmamasdan niya ang masiglang kumakain na si Monic ,nangingilid ang luha niya dahil gusto man niya ibigay ang lahat sa Anak eh salat parin siya sa pera,ayaw man niya tipirin ang Anak pero pareho sila magugutom kung uunahin niya ang luho kesa sa pagtitipid .
Pasimple niyang pinahiran ang isang butil na umalpas sa kanyang pisngi ayaw niya makita ng Anak niya na pinanghihinaan siya ng loob,kung maaari nais niya ipakita sa anak na matapang siya kahit sa loob loob ay mahina siya.
"Nanay busog Monic!" Pukaw ng anak niya kaya naman nilapitan niya ito at pinugpog ng halik.
"N-anay Monic di hinga! Sasakal Monic nay!" Sabi nito kaya naman tinigil na niya ang pagyakap at paghalik dito.
"I Love you Anak! Mahal na mahal ka ni Nanay!" Madamdaming pahyag niya sa Anak.
"Monic Love Love Nanay Zandie!" Muli ay niyakap niya ang walang kamuwang na muwang na Anak na limang taon palang pero batid niya na matalas ang pag iisip nito na marahil nakuha sa Ama nito .
"Anak dito kalang ah laro kalang ng Barbie mo! Lalaba lang si Nanay!"
"Sige mo Nanay!"
Binanlawan na niya ang mga damit at sinampay,mabuti nalang papatapos na siya ng magising Ang anak pagod at pawisan narin siya,talagang inagahan niya ang pagsisimula ng labahin niya,kaya kahit papaano nakakaramdam na siya ng matinding pagod pero hindi siya pwede mapagod dahil may Anak pa siyang Aasikasuhin.
Nang matapos sa labahin ay nagtungo siya sa kwarto upang magpalit ng damit mamaya na lamang siya maliligo pagnakatulog na ng tanghali ang anak niya.
Paglabas ng kwarto tinabihan niya ang anak sa upuan ,talagang nakakapagod ngayong araw dahil natambakan siya ng 2 linggo na labahin nila dahil sa panay sideline niya sa mga kapitbahay niya,siya na kasi ang pinakikisiyuan sa tuwing hindi sila makakapaglaba sa mga amo nila .
Sa halagang 800 na kinikita niya sa paglalabada ay pinagkakasya niya ito sa isang araw na gastusin,sa sobrang mahal ng bilihin halos wala na matira sa pera niya kung madalas pa ay kulang pa.
Pero syempre pag nanay kana dapat marunong ka magbudget sa mga bagay bagay lalo na pagdating sa pera,wala na siya pamilya pa na malalapitan kaya sariling diskarte at pagsisikap upang itaguyod ang Anak!"