Chapter 2 " THE MEETING "

1287 Words
Nagtungo si Detective Allen Mendoza sa office ng kanilang senior officer na si Detective Leumas Nugas/ the owner and creator of the famous CDG Company na naka base sa Makati City, isa itong private eye at takbuhan ng mga tao na gustong humingi ng tulong para maresolba ang mga kaso o kaya ay magsilbing additional assistance para sa mga complainant o mga biktima.May pahintulot naman ito ng local government at maging ng iba pang mga sangay ng pamahalaan. Pagpasok ni Allen sa tanggapan ng CDG( Crime Detection Group ) ay nadatnan niya doon sina Ms. Lala Morales secretarya ni Detective Leumas Nugas, Detective Freda Parazo (Newest Agent ng CDG ) na kasalukuyang pinag uusapan ang tungkol sa katatapos na kaso na may kaugnayan sa naging controversial at tinaguriang serial killer of the Month na walang iba kundi si SECRET ADMIRER. " Good morning sa inyo " nakangiting bati sa kanila ni Allen. " Good morning din Sayo Allen ah siya nga Pala, si Detective Freda I'm sure Kilala mo na siya." nakangiti ring sabi ni Ms. Morales. " oh siyempre Kilala ko siya, congratulations sayo detective, I'm so proud of you sa naging accomplishment mo sa huling kaso na hinawakan mo and welcome to the group I'm so honored na makasama ka sa trabaho. " masayang pahayag ng nakangiting si Allen. " ikinararangal ko ring mapabilang sa inyong grupo detective " " just call me Allen " " Freda " nagkamayan Ang dalawa. Kung titingnan ay halos magkasing edad lamang ang tatlong babae at may Kani kaniyang appeal Ang mga ito. Kung ang hanap ng isang lalaki ay medyo chubby na sexy at deep seated charming eye at medyo maputi ay si Ms. Lala Morales na iyon. Pero kung ang tipo naman ng isang lalaki ay morena at may napaka tangos na ilong,physically fit with almost always sleepy eyes and kissable lips ay si detective Freda Parazo na iyon at kung ang tipo naman ng isang lalaki ay maputi, slightly gray eyes, a little bit pouty lips with cleft chin at taglay din nito ang extra ordinary features especially her gorgeous body and very pretty face and intimidating aura, lahat ng iyon ay taglay ni detective Allen Mendoza. Five minutes later ay dumating narin doon si detective Leumas Nugas at nagbigay galang naman ang tatlong sa kanilang team leader at halos magkakasabay pa silang napatayo bilang paggalang sa kanilang head. " please sit down " banayad na sabi ni detective Leumas Nugas. Umupo ito sa pinaka Centro ng isang makintab na table na yari sa narra. Nang mapatingin si detective Leumas Kay Freda ay ngumiti ito sa kanya at kaagad siya nitong binati. " Congratulations detective Freda, well done at dahil diyan ay lalo akong nakumbinsi na you really deserved a spot sa grupo namin, and we're honored to have you here " masiglang pagbati nito sa kanya.Napatingin naman ito sa dalawang babae at ng matuon ang paningin niya kay Allen ay ramdam ng mga naroon ang pinakawalan nitong malalim na buntong hininga. Si Allen ang bumasag sa nangyaring saglit na katahimikan sa kanilang pagitan. " CASANOVA strikes again sir " medyo may kalakasan na nasabi ni Allen. Tumango naman ni detective Leumas ang nasabing iyon ni Allen katibayang batid narin nito ang isa pang nangyaring malagim na pangyayari na kinasasangkutan ng naturang grupo. " Yan ang dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag ni detective Freda, nais Kong pagtulungan niyong lutasin ang kaso patungkol sa grupong ito. " seryosong pahayag ng kanilang senior officer. "Ms. Morales nai-print mo na ba ang ilang detalye sa kaso ng mga CASANOVA? " as always,naka ready na ang mga iyon at isa isa nitong ibinigay ang kanilang kopya sa mga nakalap na data. Paglapag ng folder sa harap ng bawat isa ay kaagad nila itong binuklat at saka matamang sinuri ang report na iprinisinta ni Ms. Morales. tila ito summary /compillation sa mga details ng mga biktima ng CASANOVA. Sa unang pahina, ay ang pambungad na pamagat na " CASANOVA CASE " at ang mga sumunod na pahina ay nakasulat ang mga ito: CASANOVA VICTIMS: 1. Raimee Anne Valdez - 20 yo 2. Shaina Rose Navarro - 19 yo 3. Bernadette Chiang - 18 yo DESCRIPTIONS OF THE VICTIMS: 1. 5 feet 6 inches, fair complexion, nurse, beautiful 2. 5 feet 4 1/2 inches, white complexion, Bank Accountant, Beautiful 3. 5 feet 5 inches, white complexion, student/model, very pretty. HOME ADDRESS: 1. 1020 Loma St. Dasmariñas Village, Makati City 2. 162 New Zealand St. Don Soccoros Village, Makati City 3. 194 Richville Heights, Makati City FOUND ( PLACE OF DEATH ): 1. Beside old Makati Market place near near San Antonio, Cemetery. 2. Inside the Canal, along Magellan highway, near Jergens Subd. MC 3. Inside the Unit at block 24 Lot 08 Saint Paul St. Doña Sacada Subd. MC NATURES OF DEATH: 1. Drug overdose/strangulation 2. Drug overdose/strangulation 3. Drug overdose/strangulation WEAPON USE AND OTHERS: 1.Unidentified drugs and arguably 5 times stronger than ecstacy/ guitar chord 2. same as #1 3. same as #1 and #2 OTHER DETAILS OF KILLINGS: 1. Tattoo at her forehead, Jack of heart & black knight 2. Tattoo at her chest, King of Spade & black rook 3. Tattoo at her belly, Queen of diamond & white bishop DESCRIPTIONS OF TATTOO: 1. Word "CASANOVA" printed in bold letter, red ink 2. word "CASANOVA" printed in bold letter, green ink 3. word "CASANOVA" printed in bold letter, yellow ink. WITNESSES: 1. None 2. None 3. None VITAL EVIDENCES: 1. None 2. None 3. None SUSPECTS: 1. None 2. None 3. None Pagkabasa ni detective Leumas ang report ay kaagad siyang nag raise ng katanungan Kay detective Allen na batid niyang may acces sa iba pang detalye. " about the nature's of death detective Allen, Wala pang specific signs na inabuso muna Ang mga biktima? what I mean to say is Hindi ba Sila ni r**e muna Bago Sila paslangin ng grupo ng CASANOVA? " maagap namang sinagot iyon ni Allen. " Negative sir, ayon sa nakausap Kong medical examiner ay wala silang makita na anumang indikasyon na hinalay muna Ang mga biktima Bago nila ito patayin and aside from some scratches found in their naked body at mga pasa na mababakas sa ilang bahagi ng kanilang katawan ay ipinapalagay na ito ay dahil sa struggle ng mga biktima while they are doing the strangulation. " may kahabaang paliwanag ni detective Allen. " Then it only shows that the CASANOVA group if they are really group is UNIQUE with their style of killings, consider the very fact na pawang bigatin at puro pa magaganda Ang kanilang binibiktima. " kumento naman ni detective Freda. " A big wonder kung bakit nila ito ginagawa, and it's hard to imagine what is their real motives behind all these consecutive killings. " dagdag pa ni Freda. " Woman hater perhaps! and not just woman but beautiful and expensive women " ito naman ang kumento ni Ms. Morales. " But ... isn't it CASANOVA in Spanish if I'm not mistaken means LOVERS OF BEAUTY? " tila tutol naman ni Allen sa nasabi ni Ms. Morales na baka Ang CASANOVA group ay mga haters. " If this group of rising criminals ay talagang let say Lovers of Beauty, pero bakit nila pinapatay ang kanilang mga biktima at ano ang nagmomotivate sa kanila para Gawin nila Ang mga ito? " Nagtatakang tanong naman ni Ms. Morales.Walang nangahas na sagutin Ang nasabing iyon ng sektetarya at maging si detective Leumas man ay Hindi rin mawari kung ano ang tumpak na kasagutan sa tanong na iyon, lahat sila ay pawang walang mai na dahilan upang isakatuparan ng mga ito Ang ganoong uri ng karumal dumal na Gawain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD