FOREWORD and CHAPTER ONE

1999 Words
Being a student is difficult. But you know what's more complicated than being a student? It is, falling in love with a man who has a girlfriend, and worst, that man is your Professor. Noong una, ang alam kong crush lang ito... Hanggang sa tuluyan na akong nahulog sa kanya. Sa professor ko. I don't even know when did that happen. Where did I feel it? I just know I am in love with him—no more reasons to explain. The person I'm inlove with has a girlfriend at alam kong wala akong laban sa kanya. Ano nga ba naman ang laban ko sa apat na taong relasyon nila? So I don't even bother to meddle with them. Then everything turned around. Because my professor, who I am in love with, turns out to be my fiancé. Like, really? How did that happen? Nagulat na lang ako nang pagkagising ko isang umaga ay ganoon na ang nangyari. Fiancé ko siya, at fiancée niya ako. And there was his girlfriend. Also a professor at the University I'm studying. Beautiful, intelligent, tall - like a model. Mas napagkakamalan pa siyang model dahil sa ganda niya. I don't know why I am giving compliments to my fiancé's girlfriend, but yeah, she's gorgeous. Ang gusto ko lang naman ay ang crush-an si Sir Shawn. Mang-stalk sa kanya sa mga social media account niya kahit hindi naman siya active sa mga iyon. Gusto ko lang namang crush-an siya hangga't buhay pa ako at nakagagalaw pa. Problems come to me. My family knows that Professor-student affairs are f*******n, but they don't give a damn. I tried to explain things to them, but hell, walang nakikinig sa akin. So I decided that I had to face reality. That MY PROFESSOR, [IS] MY FIANCÉ. "All I know is my heart belongs to you and only you..." "Nori!" Nilingon ko kung sino 'yung tumatawag sakin. Si Leila pala. "Oh bakit?" tanong ko nang makalapit na siya sa kinatatayuan ko. Nandito ako ngayon sa garden ng campus, hinihintay siya pati na rin ang isa pa sa mga kaibigan namin. Hindi lang garden ang mayroon sa university. Mayron ding fountain, soccer field, quadrangle–iba pa 'yon sa basketball court at gymnasium. Mga mayayaman lang ang nakakapasok dito pero may scholarship din namang offer ang Burlington University. "Kilala mo na ba 'yung prof natin sa Social Psychology ngayong year?" tanong niya naman sa akin. Sasagot pa lang sana ako nang may tumawag na naman sa pangalan ko. Hindi na lang ako ang tinatawag ngayon, pati na rin ang pangalan ni Leila. "Lei! Nori!" Lumingon kami sa kinaroroonan ng boses. Si Margarette, isa pa sa mga kaibigan ko. Hinihingal pa siya nang lumapit sa amin. "Teka lang, h-hihinga muna ko." Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita muli, "kilala ni'yo na ba 'yung prof natin sa Social Psychology ngayong year?!" excited niyang sabi. "Iyan nga din ang tinatanong ko kay Inori kung hindi ka lang sumulpot at sumigaw na parang nawawala 'yung taong tinatawag mo," sambit ni Leila at umirap. Napailing ako, kahit kailan talaga ang sungit nito ni Leila. "Heh! Tumahimik ka na nga!" Marg also rolled her eyes. "Sungit nito. So, ayon na nga! Kilala niyo ba? Kilala niyo?!" "Hindi." sabay naming sagot ni Lei at saka umiling. "Aish! Hindi kayo updated? Nakalagay na kaya 'yon sa campus board doon sa may corridor ng Dean's office! Wala talaga kayo. Tss." Ito namang si Margarette, akala mo napakahalaga ng ibabalita niya. If I know, mga matatandang teacher na naman 'yan. Palagi naman kasing gano'n. Hindi naman sa nagrereklamo ako na gano'n ang mga teachers namin dahil magagaling naman silang magturo. Pero duh, 4th year na ako ngayon tapos gano'n pa rin ang mga prof na makasasalamuha ko? Wala man lang bang mas bata at hindi strikto o kaya naman... Kahit 'yung crush ko na lang 'yung maging prof namin ngayong taon? Humagikgik ako sa sariling naisip. "Sino ba yung prof natin do'n?" tanong ni Lei. Magkakaklase kasi kami sa halos lahat ng subjects. Buti na nga lang at ganoon ang schedule namin, ayaw ko kasing mahiwalay sa kanilang dalawa. "Tara, punta tayo sa Dean's office!" yaya niya sa amin at hinila kami papuntang Dean's office. Habang tumatakbo kami, magpapakilala muna ako, okay? Oh! Huwag nang aangal. I'll start my introduction now. Ako si Inori Michelle Shou. 20 years old, pero minsan, hindi pang-20 years old ang isip. Ako ay isang pure Filipina kahit gan'yan ang apelyido ko. Hindi Japanese, Chinese, Korean, Taiwanese, o kung ano pa mang ibang lahi na maaring mapagkamalan dahil sa surname ko. Filipino blood runs through out all of my body. Kahit mag-English pa ako rito, Filipina pa rin ako. I have best friends, Leila Shin Romero and Margarette Elysa Castilliano. Si Leila yung tipo ng taong mabait pero s*****a. s*****a kapag ayaw niya sa mga sinasabi mo at kapag naiinis siya sayo. Isa rin siyang dakilang pilosopa. Nag-aral ata 'yun ng philosophy kaya gano'n eh. Matalino rin siya. Actually, matalino naman kaming tatlo eh. Si Margarette, ito naman 'yung tipo ng taong maprangka. Sinasabi kung ano 'yung gustong sabihin, kahit hindi mo pa magugustuhan yung sasabihin niya ay sasabihin pa rin niya. Dakilang pilosopa din ang isang 'to. Pero mas malala si Leila. Buti nga ako hindi nagmana sa kanila eh. Isip-bata nga lang talaga ako kung minsan. Ay? Madalas pala. At meron din akong crush. Napangisi ako habang iniisip ang crush ko. Ang pangalan niya ay si Shawn Mendrez. Hindi ko siya classmate, hindi ko rin siya naging classmate. Hindi ko rin siya schoolmate, dahil hindi na siya estudyante, professor na sa Burlington ang crush ko. Isa siya sa pinakamagaling na professor ng school even though he's only 25 years old. Imagine? Nasa top list pa siya no'ng LET Board Exam. At hindi lang 'yun! Bukod sa matalino na, gwapo pa! Hindi lang ako ang mayroong crush kay sir, marami kami at alam naming wala kaming pag-asa sa kaniya. Since 1st year college ako, crush ko na siya. Kaso nga lang, hindi niya naman ako napapansin. Eh, kasi naman, hindi ko pa siya nagiging prof! Paano niya ako makikilala? Sumimangot ako. Nakarating na kami sa Dean's office, 'yun nga lang ang daming tao kaya hindi kami makasingit. Hindi ko pa nga nakikita ang buong schedule ko eh, may changes pa kasi na nangyari sa mga schedule namin. "Omg, ang init dito girls, mamaya na lang natin tignan! Cafeteria muna tayo!" Hinila na naman kami ni Marga paalis ng Dean's office. Buti na lang at introduction pa lang ang gagawin ngayon sa loob ng klase kaya hindi pa matatawag na hell week at mamaya pa ang first subject namin. Start pa lang din kasi ng first semester. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, nakita namin si ma'am Cleo na lumabas sa Science lab. Binati namin siya ng good morning at pagkatapos niyang lumabas doon, sumunod naman si sir Shawn na lumabas. Muntik pa akong mapatili kung hindi ko napigilan ang sarili ko. Inilagay ko ang aking palad sa aking labi. Ang gwapo talaga niya! Pero bakit parang magkaaway 'ata sila ni ma'am? Usually kasi kapag galing silang dalawa sa lab, either na nag-away or nag-usap. Ganon kasi 'yung usap-usapan dito sa campus. Ang galing 'di ba? Pati 'yung mga teachers, pinag-uusapan ng mga estudyante. "Nakita niyo ba sina ma'am Cleo at sir Shawn? Ano kaya nangyari sa kanila?" pabulong na tanong ni Margarette. "Oo nga, ano kayang nangyari sa kanila? Nag-away kaya sila?" dugtong ko naman sa sinabi ng kaibigan ko. Siguro maghihiwalay na sila.Napangisi ako. Makakaporma na ako kay sir kung gano'n. Umiling ako kaagad sa sariling naisip. Hindi, mali iyon, Inori! Tigilan mo ang pag-iisip ng ganiyan! "Malay ko? Bakit ako ang tinatanong ni'yo, kasama ba ako nila Sir kanina sa lab? Close kami, close kami? Tanungin niyo silang dalawa, 'wag ako okay?" ito na naman po si Leila. Nagsusungit na naman. "Meron ka ba ngayon Lei? Bakit ang sungit mo?" tanong ko. Totoo naman eh. Nagtataray na naman. "Nagugutom ako. 'Wag kang maingay diyan kung ayaw mong kainin kita," sagot niya. Napailing na lamang ako. Bumulong sa akin si Marga. "Bakit ba kasi kinaibigan pa natin yan? Ang hirap kausap." Medyo natawa naman ako sa sinabi niya at inilingan siya nang makita ang masamang tingin sa amin ni Leila. "Kung magbubulungan kayo, siguraduhin niyong hindi ko naririnig ha? Nakakahiya naman eh." Tumawa kaming dalawa ni Marga at lumapit kay Leila para i-cling ang mga kamay namin sa kaniyang magkabilang braso. Mabait naman 'to eh, kapag hindi gutom. Nakarating kami sa cafeteria at naghanap kaagad ng upuan. Mabuti na lang at meron pang bakanteng table sa bandang dulo kaya ro'n na lang kami naupo. Si Marga na ang nag-order ng pagkain namin. "Lei, may crush ka ba?" pag-oopen ko ng topic nang lumipas ang mga minuto at walang nagsalita sa amin. "Wala," sambit niya at tinarayan ako. Hmp! Ang sungit talaga ng isang 'to! "Inori?" Nilingon ko kung sino na naman 'yung tumawag sa akin. Bakit ba ang daming tumatawag sa pangalan ko ngayon? Nang makita ko kung sino iyon ay napangiti ako. "Bryan! Upo ka." Pinaupo ko si Bryan sa tabi ko. Tinignan ko naman si Leila na kanina ay nakakunot ang noo, ngunit ngayon ay parang naka-blush on na 'yung mukha sa sobrang pula. Kumunot ang noo ko. Anong problema nito? "Lei, kilala mo na 'to 'di ba? Magkaklase kayo last sem," sabi ko kay Leila at itinuro si Bryan. "A-ah, o-oo," sagot niya ngunit napansin ko ang pagiging utal-utal niya. "Puwede bang dito na lang ako makiupo?" tanong ni Bryan. "Hindi pwede!" "Oo naman!" Magkasabay kaming sumagot ni Lei ngunit magkaiba ang lumabas sa bibig namin. Mas lalo lang tuloy kumunot ang noo ko. "Bakit Lei? Bakit hindi pwede?" Nagtatakang tanong ko. "Eh kasi..." Lumikot ang mga mata niya. "uupo pa si Marga, 'di ba?" Kung may ikukunot pa ang noo ko, nangyari na iyon dahil hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ang kaibigan ko. "Hello Leila? Good for 4 persons 'tong table no. Ayan oh, sa tabi mo si Marga," sambit ko at tinuro ang tabi niya na vacant dahil wala pa si Marga. Hindi na siya sumagot. Aba, himala? Hindi 'ata ako binara ngayon ah? Mga ilang minuto pa ang lumipas, dumating na din si Marga. Umupo siya sa tabi ni Leila, pero napansin kong sinisiko ni Marga si Lei. Bakit kaya? "Ah, Lei, palit muna tayo ng upuan, may sasabihin lang ako kay Marga," sambit ko. "H-ha?" "Sabi ko palit muna tayo. Dali na." Tumayo na 'ko at pinatayo ko na rin siya sa upuan niya kaya wala na siyang nagawa. Kinailangan ko pang hilahin ang braso niya para lang paalisin siya sa kinauupuan niya. "Kumusta ka na, Leila?" rinig kong tanong ni Bryan. "A-ah, o-okay lang." Leila's cheeks are red like tomatoes as she answers Bryan's question. Nanlaki ang mga mata ko. CONFIRMED! Crush ni Lei itong si Bryan. Siniko ko si Marga na sobrang busy sa pagkain. Naintindihan niya naman 'yun kaya nang magkatinginan kami, parehas kaming napangiti. Hindi naman kasi mahirap magustuhan si Bryan eh. Mabait, gwapo, matalino, at gentleman. Nagtuloy-tuloy lang kami sa pagkain habang si Bryan naman ay nakikipagkuwentuhan kay Leila. Hanggang sa matapos 'yung pagkain namin, sila lang yung nagdadaldalan. Ang cute. Bagay sila. Bumalik na kami sa klase namin dahil tapos na ang vacant time. Mamayang uwian ko na nga lang titignan 'yung prof namin na hindi ko pa nakikita. Mabilis lang din dumating ang dismissal at dumiretso kami kaagad sa tapat ng Dean's office. "Bilisan ni'yo nga! Mamaya madami na namang tao ro'n!" si Marga na madaling-madali. Panigurado sasagot 'tong si Leila. "Uwian na kaya? Paano rarami 'yung tao roon, aber?" sagot naman ni Leila. Sabi ko na, eh. Bumuntonghininga na lamang ako habang pinakikingan silang dalawa. Sanay na ako sa ganito, wala naman nang bago. "Eh, malay mo 'di ba? Malay mo gusto pa nilang tignan 'yung sched nila nang paulit-ulit." "Kanina pa sila nando'n tapos titignan na naman nila ngayon?" "Malay mo nga kasi!" Nakisali na ako sa usapan nila, parang wala na kasing katuturan 'yung lumalabas sa mga bibig nila, eh. "Kayong dalawa ang ingay niyo kanina pa, ha. Eh, kung hindi na sana tayo huminto, sana nakarating na tayo sa Dean's office! Tara na nga!" inis kong sambit at hinila na sila para makapaglakad na ulit kaming tatlo papunta sa destinasyon namin. Pagkadating namin doon, buti na lang wala ng mga estudyante. Tama nga si Lei, mag-uuwian na rin kasi. Hinanap namin kaagad ang section namin at ang social psychology subject. Unti-unting lumiit ang mga mata ko habang tinitignan iyong list. Hindi ko makita iyong subject! "I can't believe it." rinig kong sabi ni Marga at natulala pa siya roon sa tinitignan niya. "Bakit Marga?" tanong ni Leila. "Si sir Shawn ang prof natin sa Social Psychology." "S-sir S-shawn?" Gulantang kong sambit at nanlaki pa ang mga mata. Tumango naman siya nang paulit-ulit, para akong nananalamin dahil sa panlalaki rin ng mga mata ni Marga. Bumilis ang pagkabog ng aking dibdib. Matutupad na ang pangarap kong maging prof siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD