Chapter 3- The magical moment

1016 Words
...ZAYN... Zayn.. tawag saakin ni ate. Dumating na pala si kuys at masaya ako sa narinig ko. "Kuy's sorry, hindi na ako pinayagan mag travel ni Pat. Alam mo na pogi tayo kaya iniingatan." sabi niya na ang lapad ng ngiti. Ah! ganon ba. Maiba tayo sinagot ka na ba? tanong ko saka'nya. "H-hindi pa nga kuy's sabi niya, She's waiting for a right time between us and I respect her decision." Alam mo na gentleman tayong mga pogi. Nagningning ang mga mata ko sa narinig, mukhang nagkatotoo ang sinabi ko single pa din kami pareho hahaha. Ayan na naman 'tong kalansay na to. Parang nilapad ako ng hangin sa sinabi niya. Hahaha hindi naman ako bully sa lagay na yan. Zayn.. narinig ko na naman tinatawag ang pangalan ko, ang wedding coordinator pala. I started to tap the string. Ewan ko ba hindi naman 'to ang first time kong mag perform pero parang dina daga ako na hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko. I simply close my eyes and started to sing. Nag simula na din mag gitara si kuy's. The people we're shouting and clapping their hands. Mas ginanahan akong kumanta.. She started to browse her socmed. Until she heard the angelic voices. She hate music, but this one is so different. Ang lamig ng boses ng singer. She simply close her eyes at ninamnam ang bawat lyrics ng kanta nito. Naitawid ni Zayn ang pagkanta at natuwa siya ng makitang ang kanina pa hinahanap ng mga mata niya. Sa may di-kalayuan ang babaeng topakin na nakapikit pa. Ibig sabihin nagustuhan niya ang pagkanta nito kaya 'di malabong magustuhan rin siya nito. Kuy's tawag ko dito, tara kain na tayo sabi ko. Pinahanap ko siya ng upuan at ako naman ang kukuha ng pagkain. Sa kamalas malasan naman dito pa niya napiling umupo. Pinaikot ko ang mga mata ko nagbabaka sakaling may ibang pwesto para lumipat kami. Sa kamalasan occupy na ng lahat. Wala akong nagawa kundi umupo sa harapan niya. I simply ask her. Can I sit here? pero mukhang wala atang narinig ito at sige dotdot ng cellphone niya. Binilisan kong kumain at tumayo na ako. Nagpaalam ako kay kuy's para lumabas at sumagap ng sariwang hangin. Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno. Nagmu muni-muni. Sinuot ko ang earphone ko at nag simulang mag play ng music. Nare-relax ako kapag nakakarinig ng music nakakagaan ng pakiramdam at hindi ko namalayang naka idlip pala ako at pag gising ko hapon na. Pagbalik ko sa loob nagsisimula ng mag sayawan at nakita ko si kuy's na may kasayaw na. Zayn.. tawag saakin ni ate na ka-officemate ko. She whispered something..... Isayaw ko daw ang pinsan niya. Sumagap muna ako ng maraming lakas ng loob kasi feeling ko sasabak ako sa matinding gyera. Ewan ko ba dami ko naman nakilalang babae, pero ang pinsan ni ate ang kakaiba. Nang magkaroon na ako ng lakas ng loob linapita ko siya. I simply ask her. Can I dance with you? Tinapunan niya lang ako ng tingin at inirapan, sa inis ko bigla ko na lang siyang hinatak. Sisigaw pa sana siya kaso nga lang nakita niya madami na palang tao at ayaw niya naman sigurong masira ang gabi ng pinsan niya. Pumayag na din siya sa wakas. Dinala ko siya sa dancefloor. Hinawakan ko ang maliit niyang hips at nilagay ko ang dalawang kamay niya sa mga balikat ko. Nagsimula na kaming sumayaw. Parang nagslowmo ang lahat at wala akong makita kundi siya lamang, weird pero kakaiba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya na hindi ko maintindihan at naguguluhan rin ako. Hanggang sa nag tanong ako kong bakit palagi niya na lang akong sinusungitan. Sumagot siya ng wala lang. As in wala lang, ano 'yon trip lang niya. Minsan talaga napapaisip na lang ako kong may saltik ba talaga 'tong babae na ito, o sadyang malakas lang ang toyo sa katawan. Out of nowhere bigla siyang tumingin saakin eye to eye, hindi ko maipaliwanag sarili ko bakit ba para akong namamagnet kapag nakikita ko siya. Maganda ang babae, bumagay saka'nya ang bilugan nitong mga mata, ang katamtamang tangos ng ilong at ang mamula mulang labi nito na akala mo laging nag aanyaya na halikan mo siya. Hindi din niya masisi ang sarili kong bakit palagi niya na lang 'tong ninanakawan ng halik at lagi na lang siyang inaaway nito. Maya-maya tumigil na din ang music at bigla niyang sinabi. Happy? so pwede na akong umupo? I simply saying thank you. At himalang ngumiti siya. Ano kaya nakain ng babaeng ito sana araw-arawin niya sa isip ko. Tumalikod na to at naglakad. I stunned in a few minutes at hindi pa din kasi ako makapaniwalang nginitian niya ako. First time 'to simula ng nagkita kami palagi na lang niya akong sinusungitan. Napa thank you God ako. Dahil gusto ko talaga siya at gagawin ko ang lahat mapasagot lang siya bago ako umuwe ng El-Nido Palawan. Matagal tagal na din akong single at ready na ako to mingle. Kuy's tawag ni kuya Renzo saakin. Nilapitan ko siya at nagtanong saakin kong sino 'yong kasayaw ko. Sabi ko na lang isang malaking toyo. Napa ha? na lang si kuy's sa sinabi ko. Tara na nga kuy's aya ko sakaniya, bago pa siya magtanong ng mag tanong at tawanan lang ako kapag nalaman niya. Naglakad kami papuntang bahay ni ate. Naka ilang katok ako bago buksan ang pinto. Si Ate ang nag bukas, hmmm napa isip ako saan ang babaeng may toyo. Napansin naman ni ate na parang may hinahanap ako. Sabi niya wala daw dito ang pinsan niya nag sleep-over sa mga pinsanin rin nila. Ngayon lang daw kasi muli ito nagkita-kita after 3 years. Sabi ko na lang kay ate, hindi po nanibago lang ako kasi tahimik ang mundo biro ko sakaniya. At umakyat na kami ni kuy's sa taas. Mukhang pagod si kuy's kasi himalang nakatulog na agad siya samantalang ako heto nag iisip pa. Hindi pa din mawala sa isip ko ang babaeng toyoin. Hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa pag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD