Malakas niya na ibinagsak ang pinto at ni-lock saka ibinagsak ang katawan sa kama. Naisip niya na bukas din ay uuwi na lang siya kahit ayaw ni James. Hindi siya mamatay sa takot kay Albert pero mamatay siya sa ginagawa ni Xavier sa kanya, parang tino-torture siya nito. Naisip niyang tawagan si Joaquin upang magpahatid bukas dahil wala siyang dala na sasakyan at hindi niya kabisado ang pabalik ng maynila. Kausapin niya si Joaquin kahit na nahihiya siya dito sa nangyari nang nagdaang araw. Narinig niya ang papalayong sasakyan tanda na umalis na sila Xavier. Bumangon siya at pumasok sa banyo para maligo at magbihis. Nang matapos ay nagbihis siya at bumaba, nasalubong niya si Nana Saling sa puno ng hagdanan at nagtataka itong tinitingnan ang namamaga niyang mga mata dahil sa kanyang pag-iya