Tahimik na pinagmasdan ni Xavier ang dalagang mahimbing na natutulog sa tabi niya. Talagang nagsisi siya sa mga sinabi niya kanina at habang sinasabi niya iyon parang pinipiga din ang kanyang puso habang nakikitang umiiyak ito. Ang bilis niya kasing magalit kung ito na ang involve. Ang totoo pinipigilan niya lang ang sarili na hindi pumunta dito noong nagkagulo sila ni Joaquin. Pero palagi niya naman itong tsini-check sa malayo, doon niya pinaparada ang motorsiklo sa malayo at makita man siya nito ay hindi siya nito makikilala dahil naka helmet siya. Walang araw na hindi niya ito binabantayan sa malayo. Dumadaan siya dito bago pumunta ng opisina niya at kung pauwi ay dumadaan din siya dito bago umuwi ng bahay. Kung sa trabaho naman siya ay palagi niya namang tinatawagan ang Nana Saling at