"Naalimpungatan si Sandrine sa narinig na ingay na nagmula sa unang palapag ng bahay. Tiningnan niya ang nakasabit na orasan sa dingding at nakasaad doon na mag aalas tres na pala ng hapon. Napasarap ang kanyang tulog. Sabagay ngayon lang siya bumabawi ng tulog mula ng mangyari iyon sa kanila ni Albert, dahil palagi siyang nag-alalang bigla iyong darating. Kumuha siya ng damit sa kanyang maleta at pumasok sa banyo upang maligo. Pinili niyang isuot ang kanyang crop top na kulay itim at puting sexy shorts. Hapit na hapit ito sa kanyang katawan kaya lutang na lutang ang kanyang kaseksihan. Isinuot ang flat sandals at bumaba ng hagdanan. Patungo siya sa kusina upang kumuha ng pagkain at nakaramdam na siya ng gutom dahil hindi siya kumain ng tanghalian. Natigil siya sa paghakbang ng may lumab