Lumabas ang matanda at naiwan siyang mag-isa habang inuubos ang kanyang kape. Muntik pa siyang mapasigaw nang bumulwak ang kanyang kape mula sa kanyang tasa dahil nagulat siya nang sumungaw sa pintuan ng kusina si Xavier, thanks God at hindi na ganoon ka init ang kanyang kape. Naging magulatin yata siya simula ng makilala niya ito. Naka swimming shorts lang ito at wala ng kahit anong damit, basa ito at tumutulo ang tubig mula sa katawan nito. Tinitigan siya nito at ganoon din ang ginawa niya matagal silang nagtitigan at iyon na naman ang kanyang puso sa malakas nitong t***k. Naninerbyos ba siya 'pag nasa paligid lang si Xavier at ganoon palagi kabilis ang t***k ng kanyang puso? Siya na ang unang nagbaba nang paningin at nagyuko ng ulo, hindi niya matatagalang tumitig dito at tila siya hi