Inisang lagok niya ang natitirang laman ng beer niya, saka siya tumayo at pumasok sa bahay. Nakaakyat na siya, at nang mapadaan siya sa silid ni Sandrine ay maingat siyang lumapit sa pinto at pinihit ang door knob. Hindi naka-lock kaya maingat niyang binuksan at sinilip ito sa loob. She's sleeping while cuddling her pillow. Payapa itong natutulog na parang isang sanggol. Nakatabing sa magandang mukha nito ang ilang hibla nang buhok nito. Napakaganda nito. Pinigilan niya ang sarili na lumapit pa dito. Pero sa huli siya na rin ang sumuko, lumapit siya at naupo sa gilid ng kama nito. "Sleep tight baby," mahinang sabi niya saka maingat na hinawi ang buhok nito sa mukha. Natigil siya nang bahagya itong gumalaw. He sigh. Tutuparin ko ang pangarap mong dito magpakasal, pero hindi ka sa iba mag