Matapos maihatid ni Kath ang anak ay sinimulan na rin niyang maglakad. Lalakarin na lang niya ang mula eskuwekahan hanggang munisipyo tutal ay puwede namang lakarin. May trenta minutos pa naman bago ang pasok nila kaysa magtricycle pa siya. Sayang din ang bente pesos eh malapit lang naman. Napansin rin ni Lance na nakauniporme ang babae. Naisip niyang maaaring nagtatrabaho na ang babae. "Mabuti naman," aniya sa isip. Atleast hindi na iyong kung ano-anong pinapasok nitong raket. Nakita niyang naglakad lamang ang babae. Kaya naisipan niyang sundan ito. Malayo-layo na rin ang nilalakad nito ngunit tila walang kapaguran ito. "Malayo pala bakit hindi man lang nagtricycle," usal sa sarili. Nang may-maya ay narating ang munisipyo ng bayang iyon.