"Just do it." Kahit hindi siya masyadong makatayo ay pilit tinulungan ang kapatid na maipasok siya agad sa sasakyan. "Huwag mo nang kunin ang wheelchair," sigaw sa kapatid ng balak pa nitong bumaba. Nang biglang may bumaril sa kanila. "s**t. Sabi ko na nga ba!" Muntik ng tamaan si Liam mabuti na lamang at nakadapa siya. Mabilis niyang pinasibad ang sasakyan nila. Pinaulanan sila ng bala ng di kilalang kalaban. Buti na lang at isa sa passion ng kapatid ay drag racing kaya mabilis nila itong naiilagan. "Mukhang matindi ang hangaring patayin ka Bro ah," tinig pa nito habang pinapaharurot papalayo ang sasakyan nila. "Hindi ordinaryong tao ang binangga mo Bro," wika pa nito nang tuluyang makawala sa kalaban. "