"Seryoso ka, Raphael? Ipapasuot mo ito sa akin!?" sigaw kong tanong na siyang nagpangisi sa kanya. "Oo at gusto ko, iyan ang isusuot mo kapag nagtatrabaho ka dito!" sabi niya sa akin. Napatingin ako sa ibinigay niya sa akin na susuotin ko raw. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kanyang utak at naisipan niyang ganito ang ipasuot niya sa akin. Ngayon ay alam ko na at napagtanto kong nababaliw na nga itong lalaking ito! Matapos kasi kaming kumain ng masasarap na pagkain ay inutusan niya akong buksan ang kahon na dala ng isang kasambahay kanina na isusuot ko raw. Nang buksan ko ito, tumambad sa aking paningin ang hindi kaaya-ayan mga damit! Isa ito damit na para sa mga katulong na babae. Kulay itim ang mga ito. Isang maikling palda, may bra pang kasama at isang head dress! Ano n alang