Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa aking balat. Lumuluha ang aking mga mata dahil sa isang taong hindi ko inaasahang makikilala ko.
"Langya kang anak ng Demonyo! Hindi na sana kita nakilala!" buong lakas kong sigaw habang nakaharap sa malawak na karagatan.
Napaupo ako dito sa semento. Pinahid ko ang aking mga luha sa aking mga mata. Humugot ako ng malalim na hangin.
Laban lang! Hindi pa ito ang katapusan ng mundo!
Alam kong pagsubok lang ito ng Maykapal na dapat kong malampasan!
Tumayo ako at nagdesisyong maglakad pauwi.
Hindi ako susuko!
Para sa akin, para sa aking pamilya at para sa ikakasaya ko!
Ipagpapatuloy ko ang buhay at susundan ko ang tubig na dumadaloy sa ilog ng buhay!!
….……………
"Anak, pakihatid nga ito mamaya kina aling Martha," utos sa akin ni mama na nagtutupi ng kanyang mga labada.
"Sige po, ma, ilagay mo na lang diyan at ihahatid ko mamaya pagkatapos kong matapos itong ginagawa ko," sagot ko kay mama.
Ang aking mama ay isang labandera dito sa amin compound. Lahat ng labada na ibinibigay sa kanya ay kinukuha niya para may dagdag kami sa pantustos namin ng aming kailangan sa araw-araw.
"Mahal, nandito na ang pinakagwapo mong asawa!" napatingin kaming dalawa ni mama sa may pintoan ng aming bahay at doon nakita namin si papa na madungis. Nakasuot siya ng puti na naging dilaw na sa kalumaan at ang butas butas niyang pantalon.
Nilapitan namin siya ni mama na agad niya itong niyakap at ako naman ay nagmano sa kanya.
"Nasaan ang gwapo, Mahal? Maghugas ka na nga muna at pagkatapos ay kakain na tayo. Tapusin ko lang ang mga tinutupi ko," utos sa kanya ni mama.
"Kiss ko muna," hirit pa ni papa na nakanguso na pinagbigyan naman ni mama.
Si papa ay isang nagangalakal ng bote, plastik at bakal na ibinebenta niya sa Junkshop kapag napupuno na niya ang kariton niya.
Ganito ang aking pamilya. Mahirap sa mahirap pero nakakaya naman. Tatlong beses pa naman kaming kumakain sa isang araw, natutugunan naman namin ang aming pangunahing pangangailangan at higit sa lahat ay kuntento kami dahil sa pagmamahal na ibinibigay namin sa isa't isa.
Nang matapos makatupi at makapaghanda si mama sa hapagkainan ay tinawag na niya kami ni papa para kumain. Itinigil ko na muna ang ginagawa kong pagbabasa ng libro para sabay sabay kaming kakain.
"Handa na ba kayo sa napakasarap nating agahan!?" masiglang tanong ni mama sa amin.
"Handa na!!" masaya naman naming sagot ni papa at doon ay binuksan na ni mama ang takip.
Doon tumambad sa amin ang tuyo, kamatis at sinangag!
Napapikit pa ako ng aking mga mata nang malanghap ko ang amoy ng tuyo. Halos ganito ang araw-araw naming pagkain pero hindi ko magawang magsawa dahil wala naman kaming magagawa.
"Kompleto na ba ang mga gamit mo sa pagpasok, anak?" biglang tanong sa akin ni papa.
"Kompleto na po, pa," sagot ko na lang sa kanya.
Pero ang totooo nun ay hindi pa pero magagawan ko naman ito ng paraan.
'Yung mga dating notebooks ko noong senior high ako ay irerecycle ko na lang, bibili na lang ako ng mga ballpen at mga papel kapag nagsweldo na ako sa aking pinapasukang coffee shop bilang part time. Kung sa mga damit naman, ok pa naman ang aking mga damit kaya wala namang problema.
"Sigurado ka anak, ha!" paninigurado ni papa.
Nginitian ko siya.
"Oo naman, pa! Ako pa!?" mayabang kong sagot sa kanya.
Matapos kaming kumain ay nagkanya kanya na kami nina mama at papa ng gagawin. Si papa ay muling lumabas para mangalakal at si mama naman ay nag-ayos ng pinagkainan namin at sigurado akong maglilinis na 'yan mamaya habang ako ay kinuha ko ang mga labada ni mama para ihatid ito kina Aling Martha.
Habang naglalakad ako papunta sa bahay nila aling Martha, binabati ako ng mga taong nakakasalubong ko lalo na sa mga babae.
"Ang gwapo talaga ni Kiko! Ang ganda pa ng katawan at makinis!" narinig kong sambit ng isang babae na nakasalubong ko.
Fransisco Tapang o mas kilala ako bilang Kiko dito sa amin. Sabi nila, gwapo raw ako na pinatutuhanan naman ni mama. May taas akong 5'8 at medyo maputi rin ako dahil siguro air conditioned ang pinapasukan kong coffee shop. Maganda rin ang katawan ko kasi minemintain ko ito hindi para magpagwapo o ano kundi para maging healty ang katawan ko. Hindi ako pumapasok sa gym kundi ginagamit ko ang mga gamit ni papa sa pagbubuhat gaya na lang ng improvised na barbel na nasa likod ng aming bahay.
"Pssst. Pogi, 150!" narinig kong pagtawag sa akin ng isang bakla dito sa amin.
Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Ikaw talaga Mommy Divine, alam mo naman na hindi ako pumapatol, di ba?" nakangiti kong sambit sa kanya.
Tinapik niya ang aking balikat at medyo tumawa.
"Alam ko naman 'yon Kiko at alam ko rin na alam mo na ang gusto ko," sabi niya sa akin.
"Sige, Mommy Divine, ihahatid ko lang itong mga labada kina aling Martha at babalik ako dito," sabi ko na lang sa kanya.
"Sige basta bumalik ka, ha!" sabi niya na tinanguan ko na lang.
Pagdating ko dito sa bahay nila aling Martha ay kumatok ako sa pintoan nila. Agad naman na may nagbukas dito. Si Annie, anak ni Aling Martha.
"Pinabibigay pala ni mama," sabi ko sa kanya na nakangiti.
Kinuha niya ang mga damit na hawak ko at pumasok sa kanilang bahay. Pagbalik niya ay dala na rin niya ang bayad para kay mama.
"Pumasok ka muna Kiko para kumain," nakangiti noyang anyaya sa akin.
"Naku hindi na Annie. Katatapos ko rin kasing kumain at may gagawin pa ako," pagtanggi ko sa kanya.
Sumimangot siya.
"Ikaw Kiko, ah! Kapag ako ang nag-aaya sa'yo ayaw mo pero kapag iba, gusto mo naman," nagtatampo niyang sambit sa akin.
"Hindi naman sa ganoon, Annie talagang katatapos ko lang kumain at may gagawin pa ako. Sa susunod na lang, promise!" nakangiti kong sambit sa kanya.
Bigla naman siyang ngumiti dahil sa sinabi ko.
"Sinabi mo 'yan ah! Aasahan ko 'yan!" sabi niya sa akin.
"Oo, promise ko sa' yo 'yan!" paninigurado ko.
"Sige, Annie,mauna na ako ha, pakikamusta mo na lang ako kay aling Martha," paalam ko sa kanya.
Bumalik ako kay Mommy Divine. Nang makarating ako sa bahay niya ay kumatok ako. Agad naman siyang lumabas na naka twalya at kinausap ako.
"Oh, ito ang susi ng salon ko, pakilinis na lang, ha at ayusin mo na rin 'yung mga gamit ko doon kasi sigurado akong hindi na naman naglinis ang mga bakla kahapon," utos niya sa akin na kinatango ko na lang.
Bago ako umalis ay binigyan na niya ako ng 200 pesos bilang bayad sa paglilinis ko ng salon niya.
Ito rin ang ginagawa ko kapag wala akong pasok sa eskwela o sa coffee shop. Kapag may gustong mag-utos sa akin ay kinukuha ko na lang kasi sayang din naman ang kikitain ko. Minsan din ay nagbubuhat din ako sa palengke kapag sabado. Kailangang kumayod, eh para sa amin.
Nang matapos akong maglinis sa salon ni Mommy Divine ay siya namang pagdating niya kasunod ang mga tauhan niya. Siya ang may-ari ng salon kaya medyo may kaya itong si mommy Divine.
"Hi, papa Kiko!" pagbati ng dalawang tauhan niya sa akin.
"Hi din, mga chaka doll!" nakangiti kong pagbati sa kanila.
"Ikaw talaga Kiko kung 'di ka lang gwapo ay kakalbuhin na kita. Hindi naman kami chaka no, gandang ganda nga kami sa sarili namin, eh" nakangusong sambit ni Victor sa akin.
"Sige na, maganda na kayo. Pagbutihin niyo ang trabaho niyo, ha!" sabi ko na lang sa kanila.
Ibinigay ko ang susi kay mommy divine at bumalik na ako sa bahay.
Ganito lang ang ginagawa ko sa buhay ngayon. Sa bahay lang at lalabas kapag may inuutos si mama. Kapag gabi naman ay pumapasok ako sa coffee shop. Kapag may kailangan ng sebisyo ko tulad ng paglilinis, pag-iigib o kung ano pa ay pinapatos ko na at kapag sabado naman ay nasa palengke ako. Sa linggo naman ay sama sama kaming tatlo nina mama at papa sa loob lang ng bahay.
Isang buwan ang nakakalipas, sa lunes na ang simula ng klase. Medyo kinakabahan na nga ako dahil hindi pangkaraniwan ang papasukin ko.
"Handa ka na ba sa lunes, Anak?" tanong sa akin ni papa.
Nginitian ko siya.
"Oo naman, pa! Para sa atin ang pag-aaral ko," dahil sa sinabi ko, ito na naman at magdadrama na naman si mama.
"Pagbutihin mo ang pag-aaral mo anak, ha. Alam mo naman na hanggang 4th year high school lang ang natapos ko at ang papa mo ay hanggang Grade 6 lang. Alam namin na mahirap ang kalagayan natin pero kakayanin namin ng papa mo para lang hindi ka matulad sa amin. Itataguyod ka namin hanggang sa mamakaya namin, anak kasi alam namin na mataas ang pangarap mo sa buhay, " sabi ni mama habang pinupunasan niya ang kanyang mga luha.
Ganyan si mama kapag usapang pag-aaral. Inaalo na lang siya ni papa at pinapatahan.
" Huwag kayong mag-alala ma, pa, kapag nagtagumpay ako ay tagumapy niyo rin iyon dahil kayo ang dahilan kung saan man ako lilipad," sabi ko sa kanila.
"Alam naman namin 'yon anak. Basta maghanap ka nang mayamang babae doon at buntisin mo agad para makapangasawa ka ng mayaman, ha," sabi naman ni papa.
"Oo tama 'yon anak! Mambuntis ka ng mayaman para maging mayaman na rin tayo!" pagsang-ayon pa ni mama.
Napailing na lang ako. Marami pa silang sinabi sa aking kung ano ano na dapat mayayaman daw ang kaibiganin ko para malibre ako, dapat ay maging mabait ako sa mga teacher ko para mataas ang grades ko at kung ano ano pa.
Sinalungat ko naman ang mga sinabi nila na hindi ko kailangan ng mga kaibigang mayayaman dahil kaya ko naman ang aking sarili. Hindi ko kailangang magpasipsip dahil alam ko sa sarili ko na kaya kong makipagsabayan pagdating sa academics.
"Alam mo anak, kung hindi ka marunong dumeskarte sa buhay ay wala kang mapapala. Sabi nga nila na talo ng madeskarteng tao ang matalino," sabi sa akin ni papa.
Matapos kaming maghapunan ay nag-ayos na ako ng aking sarili para pumasok sa coffee shop. 6 p. M to 11 p.m lang naman ang oras ko doon.
Nagpaalam ako kina mama at papa at naglakad na papasok sa aking trabaho.
Pagpasok ko sa shop, nadatnan ko ang kagaya kong crew na naglilinis sa mga mesa. Binati ko siya at pagkatapos ay nagpunta na ako sa locker ko para makapagpalit at matulungan ko na rin siya.
Siya si Fernando o mas maganda kung tawagin siyang Fern. Siya ang kasama ko sa panggabi at maiituring ko na ring kaibigan ko kasi simula noong nasa grade 11 pa ako ay magkasama na kami dito
Pagkatapos naming maglinis, doon na kami nagkwentohang dalawa.
"Sa lunes na ang pasok mo, Kiko!" sabi niya sa akin.
"Oo nga, eh. Medyo kinakabahan na nga ako ngayon kasi alam kong hindi ako belong sa mga estudyante doon,"
"Sabagay, sino ba naman ang hindi kakabahan kung papasok ang isang kagaya nating dukha sa pinakasikat na Unibersidad sa Pilipinas na tinatawag nilang Home of the Elites na kung saan ang mga estudyante ay mga anak mayayaman lang ang pwedeng pumasok!" sabi pa niya sa akin.
Ang papasukan ko kasing unibersidad ay ang Glennford International College na kung saan ilan sa mga anak ng mga malalaking tao sa Pilipinas tulad ng mga politiko, mga negosyante at matatas na personalidad ay doon nag-aaral. Ito kasi ang may pinakamagandang curiiculum, mga buildings at ayon din sa nabalitaan ko, kapag dito ka naggraduate ay hindi ka na mahihirapan pang maghanap ng trabaho dahil ang trabaho mismo ang maghahanap sa'yo!
"Kaya nga, eh! Ako ang isa sa pinakaswerte na nakapasa sa Exam at interview para maging full schoolar doon at sana maging maganda ang takbo ng buhay ko doon simula sa lunes."
"Goodluck na lang sa'yo Kiko at sana ay makamit mo ang pangarap mo," nakangiti niyang sambit sa akin na sinagot ko rin ng pag-ngiti.
Ilang saglit pa ay may pumasok na customer.
"Trabaho na tayo at baka makita tayo ni boss na nagkwekwentuhan at mapagalitan pa tayo,"