Chapter 5

1945 Words
"Ma , Pa, baka pwedeng maghanap na lang ako ng ibang Unibersidad?" tanong ko sa kanila habang nakaharap sa hapag-kainan. Napatingin silang dalawa sa akin, "Bakit mo naman naisipan ang tungkol diyan, Kiko!?" may diing tanong ni mama sa akin. "Ang mahal kasi ng mga requirements na pinapagawa nila, Ma. Kahit na sabihin natin na wala tayong binabayaran doon ay parang nagbabayad na rin tayo dahil sa mahal ng mga requirements. Tulad na lang ng paggawa ng isang short movie raw eh sa mga costume, mga kagamitan na gagamitin sa pag video, at pupunta pa kami sa mga lugar na malalayo para lang doon ! Eh kung tutuusin, wala naman kaming matutunan sa mga pinapagawa nila at paglulustay lang ng pera ang hanap nila! " sagot ko sa kanya at pagkatapos ay sumubo ng pagkain. "Naku, nagdadahilan ka lang yata, Kiko. Hindi naman nila ipapagawa ang mga sinasabi mong requirement kung hindi kailangan. Tsaka,hindi kami makakapayag na hindi ka makatapos sa Glennford. Kahit na isang beses lang tayo kumain ay gagawin natin para lang sa pag-aaral mo, " si papa ang sumagot. " Pero... " hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang magsalita rin si mama. " Igagapang ka namin ng papa mo, anak hanggang sa makakaya namin. Alam namin na kayang kaya mo mga 'yun dahil anak ka namin, may tiwala kami sa' yo. " Napailing na lang ako. Kahit na gustong gusto ko nang umalis sa paaralan na iyon dahil sa nangyari kahapon ay hindi ko magawa. Hindi ko kayang madisappoint sina mama at papa sa akin dahil lang sa mga nangyayari. Nagpaalam na ako kina mama at papa pagkatapos kong kumain. Pagdating ko sa bungad ng Glennford, nakita ko si Alfred na naghihintay. Nang makita niya ako ay mabilis niya akong nilapitan at hinarap ang kayang cellphone. "Mukhang kulang ang limang milyon na pabuya para sa taong ito, ah! Sige, gagawin kong sampong milyon kung sino man ang makakapagdala sa akin ng lalaking ito! Open ito sa lahat kaya ano pang hinihintay niyo? Kilos na!!" Naningkit at napakuyom ako ng aking kamao dahil sa napanood ko. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking 'yun at ganoon na lang ang pagbibigay niya ng pera para lang maiharap ako sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ni Alfred at mabilis na naglakad. Sumunod naman si Alfred sa akin hanggang marating namin ang Guidance Office. Pumasok kaming dalawa ni Alfred at nang makita namin ang Guidance Councillor ay agad namin siyang nilapitan. Inireport ko sa kanya ang tungkol sa pagtatangka sa akin ni Raphael. Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat lahat. Pero habang nagpapaliwanag ako ay parang wala siyang pakialam. "Pasensya kana Mr. Tapang pero napagsabihan kaming huwag kaming makialam sa kung ano man ang ginagawa ni Mr. Koch dito. Alam namin kung ano ang ginagawa niya sa mga estudyante dito pero wala kaming magawa dahil alam mo naman kung anong klaseng tao si Mr. Koch. Kung pwede lang sana na aksyonan namin lahat ng ginagawa niya ay ginawa na namin pero takot kami, takot ang eskwelahan na kalabanin ang mga Koch. Siguro ay alam mo na kung bakit, hindi ba?" lintaya niya sa akin na kinainis ko. " Kung ganoon, ma'am, kung ano man po ang gagawin ko sa taong ito ay walang personalan. Hindi ako pinalaki ng aking mga magulang na sumuko, Hindi nila ako pinalaki para maabriyado, " sagot ko sa kanya. Napangiti siya sa sinabi ko na pinagtaka ko. "Gaya nga ng sinabi ko, hindi namin siya pinapakialaman. Kung meron mang estudyanteng lumaban sa kanya ay malaya ito kung natatakot ka na baka mapatalsik ka dito ay huwag kang mag-alala dahil hindi nagpapatalsik ang paaralan ng estudyanteng walang ginagawang mali. Kung alam mong nasa tama ka, lumaban ka pero kung 'di mo na kaya,  huwag na huwag mong iisipin ang pagsuko. Ang buhay ay isang laban na dapat pagtagumpayan. Kung susuko ka, wala kang mapapala," nakangiti niyang pangaral sa akin. " Sige po, ma'am at may pupuntahan lang ako, " paalam ko sa kanya. Sabay kaming lumabas ni Alfred sa Guidance Office at sa paglabas namin, napangisi ako dahil sa nakikita ng aking mga mata. Saktong sakto!! Mabilis akong naglakad papunta sa taong nangtritrip sa akin. Wala akong pakialam sa mga gaya kong estudyanteng na nagtitili at kumakaway sa kanila basta ang alam ko, kailangan ko siyang harapin! "Kamusta ka, Raphael?" nakangisi kong tanong sa kanya nang magkaharap kami. "Aba, Hindi mo na ako pinahirapan at ikaw na mismo ang nagdala sa sarili mo sa kamatayan!, nakangisi niyang sambit sa akin. "Akin na ang sampong milyon," sabi ko naman sa kanya sabay lahad ng aking kanang kamay. "Bakit naman kita bibigyan ng sampong milyon?" nagtataka niyang tanong. "Hindi ba sabi mo kung sino man ang makapagdadala sa akin sa'yo ay may gantimpalang sampong milyon? Oh, ako ang nagdala sa sarili ko kaya akin na ang sampong milyon ko," matapang kong sagot sa kanya. "Ok ka, ah! Kung ganoon, sumama ka sa akin at ibibigay ko ang sampong milyon mo," nakangisi niyang sambit at naglakad na siya. Sinundan ko siya. Pinigilan pa ako ni Alfred pero sabi ko na lang na magiging ok lang ako. Gusto pa sana niyang sumama pero pinagbawalan ko na lang siya. Nakasunod lang ako sa kanilang lima hanggang sa pumasok sila sa isang building na parang bahay. Wala akong nagawa kundi ang sundan sila. Nang makapasok ako ay dito ko nakita na bahay nga ito! Kompleto ang kagamitan at para bang isang mansyon ito sa aking paningin. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng lugar. Dalawang palapag ito, sa sala ay may malaking smart t.v na nakasabit sa ding-ding, maganda rin ang sofa kung saan sila nakaupong lima habang umiinom ng wine, may mga canvas din akong nakikita na alam kong gawa ng mga sikat na pintor ang mga ito, ang mga palamuti gaya ng mga vase, cabinets at chandilier ay nakakamangha sa ganda! "Isara ang bibig at baka magkaroon ng polusyon dito," napabalik ako sa aking ulirat dahil sa sinabi no Raphael. Tumingin ako sa kanya at sinabihan niya akong lumapit sa kanila na agad ko naman ginawa. Nakaupo siya sa gitna. Nasa kanan ang kambal habang nasa kaliwa naman sina Felix at Jerry. " Alam mo ba na ikaw lang ang nakatakas ng isang araw ng pagdurusa dahil sa ginawa ko? Bilib din naman ako sa'yo at lumapit ka pa talaga sa akin para hindi na ako mahirapan," nakangisi niyang sambit sa akin. "Kung ano-ano ang sinasabi, akin na ang sampong milyon para makaalis na ako," sabi ko na lang sa kanya. Napailing siya, " Iba talaga ang tapang ng mga mahihirap sa usaping pera. Ginagawa nila ang lahat para lang magkaroon ito at tignan mo ang sarili mo, ipinain mo ang sarili mo dahil lang sa pera. Kayong mga mahihirap ay walang silbi sa lipunan, mga pabigat lang kayo sa Gobyerno. Wala kayong mararating sa buhay dahil ang mga mahihirap ay mamamatay nang mahirap at kaming mayayaman ay mananatiling mayaman. Hindi na ako nagtaka pa kung bakit ka pumunta sa akin dahil mukha kang pera, " mahaba niyang pang-iinsulto sa akin habang nagsusulat sa isang papel. Pagkatapos niyang sulatan ang papel ay muli siyang tumingin sa akin," Ito ang check na sampong milyon. Kung kukunin mo ito, humanda ka dahil may mga naghihintay sa'yo sa likod mo, " nakangisi niyang sambit kaya napatingin ako sa akong likod. May limang lalaki dito na nakasuot ng itim. Nakashades sila na para bang mga killer. " Ano? Kukunin mo pa ba? " tanong pa niya sa akin. Naglakad ako palapit sa kanya. Nang makatayo ako sa kanyang harapan ay dahan dahan kong kinuha ang cheke. Nang mahawakan ko ito, nakita ko ang kanyang pagngisi kaya ginantihan ko naman. "Mga mukhang pera, mga mahihirap na walang silbi sa lipunan at mga taong gagawin ang lahat para umangat sa buhay na kahit na ang kanilang sarili ay ipagbibili na nila para lamang sa pera. Sa ginagawa mo, mas pinamukha mo pang totoo lahat ng sinabi ko, na wala kayong respeto sa inyong sarili, ibinababa niyo ang inyong sarili, para ano? Para sa panandaliang pag-angat sa buhay? Para makatikim ng ginhawa?" naiiling  niyang sambit. " Mga walang kwentong nilalang! " pagtatapos niya. Nagngingitngit ang aking mga ngipin, nanginginig ang aking kamay na nakahawak sa cheke dahil sa nararamdaman kong inis at galit sa kanya dahil sa mga narinig kong pag-aaliposta sa aming mga mahihirap. Kinuha ko ang cheke sa kanyang kamay at ngumisi sa kanya. "Wala akong masasabi sa mga sinabi mo sa akin tungkol sa aming mga mahihirap dahil totoo naman na ang ilan sa mga mahihirap ay ganyan," sabi ko sa kanya. Tinignan ko ang cheke na kinuha ko at hinarap sa kanya. "Pero, huwag mong lahatin dahil marami kaming mga mahihirap na may paninidigan. Itong cheke na ito ay hindi ko kailangan!" dagdag ko pa at pinunit ito sa kanyang harapan. Napatayo siya sa pagkakaupo. Narinig ko naman ang mga ka member niya na parang na sayang sa ginhawa ko. " Kung inaakala mong ganoon kababa ang tingin ko sa sarili ko, nagkakamali ka! May prinsipyo at pangalan akong iniingatan! At ito? Sampong milyon !? Isaksak mo sa ulo mo!" pagtatapos ko habang tinapal ko ang cheke na aking pinunit sa kanyang nuo na siyang nagpabalik sa kanya sa kanyang upuan. Agad siyang napatayo at hinawakan ang aking damit at hinila niya ako. " Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" may galit sa kanyang tanong. "Mababang-uri ka lang na tao pero may lakas kang ganyanin ako!? Sino ka ba sa inaakala mo! Isa ka lang ipis na tatapaktapakan! Isama mo pa ang mga magulang mong patay-gutom at bobong katulad mo! " Dahil sa mga narinig ko, hindi ko na napigilan ang aking sarili at malakas ko siyang sinuntok! Napaupo siya ulit pero sinugod ko siya. Muli ko siyang sinuntok sa mukha kaya natumpa ang upuan niya. Pumatong ako sa kanya at pinaulanan ng suntok. "Huwag mong isali ang mga magulang ko dito! Huwag mo silang alipustahin dahil sa pinapakita mo! Mas masahol ka pa sa bobo !" mga salitang binibitawan ko habang sinusuntok siya. Habang nasa ganoong pagsuntok ako, bigla akong natigilan dahil wala siyang ginagawa, Hindi siya gumaganti sa akin pero bakit? Bakit nakangiti siya? Napatayo ako sa pagkakadagan sa kanya. Napalingon ako sa mga kasama namin dito. Napatayo silang lahat at parang pinigilan ng kasama ni Raphael ang mga lalaking nakitim para huwag silang makialam sa amin dalawa. Pagharap ko kay Raphael, nakatayo na ito at nakangiti, naawa naman ako sa nagawa ko dahil putok ang kanyang labi, may black eye sa dalawa niyang mata, dumugo rin ang ilong nito pero nakangiti siya! At ilang saglit pa ay bigla siyang tumawa nang malakas! "Wow! Malaking balita ito! Si Raphael Koch ay tumatawa nang malakas!" narinig kong sambit ni Kian. "Baliw ba itong kaibigan niyo?" nagtataka kong tanong sa kanila at doon ay tumawa rin sila maliban kay Felix na napapailing na lang. "Umalis ka na dito, Kiko at ako na ang bahala sa kanila," sabi na lang sa akin ni Felix. Hinarap ko Si Raphael na tumatawa pa run sa hindi ko alam na dahilan. "Alam mo, Raphael? Ang ugali ng tao ay parang flat na gulong na kapag hindi mo inayos, hindi uusad ang buhay mo!" huling mga salitang binitawan ko bago ako lumabas sa building. Nang makalabas ako ay nagmadali akong naglakad para pumasok sa aking mga klase. Noong makita ako ni Alfred ay Agad niya akong kinamusta at tinanong kung ano ang nangyari. Sinabi ko na lang na walang nangyari kaya tumigil na siya sa pagtatanong. Nang matapos lahat ng aming klase, hindi ko nakita ang kahit na sinong miyembro ng Mythic V. lalong lalo na si Raphael at sigurado akong ayaw niyang lumabas dahil sa ginawa ko sa kanya. Habang naglalakad kaming dalawa ni Alfred palabas ng Campus ay nakatanggap ako ng mensahe sa aking cellphone. Agad ko itong binasa. "May premyo ka sa akin dahil sa ginawa mo. Ngayon lang ako nakaramdam ng excitement dahil sa'yo kaya humanda ka," - Raphael *ITUTULOY*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD