“I’M HAPPY to see you again, hija!” nakangiting saad ni Doña Cattleya matapos nitong yakapin ng mahigpit at halikan sa magkabilang pisngi ang dalaga. Ngumiti rin siya sa Ginang. “Masaya rin po ako na makita kayong muli, ma’am—” “Tita. I told you to call me tita.” Agap nito. Pagkatapos ng lunch date nila kanina ni Uran ay inaya siya ng binata na magpunta sa Bulacan para bisitahin ang magulang nito. Hindi naman siya tumanggi, ngayon pa ba na official na silang in a relationship? Wala nga lang doon ang Señor Salvador. Ang sabi ni Uran sa kaniya, sa ganitong araw at oras daw ay wala sa mansion ang papa nito. Busy ito sa paglalaro ng Golf kasama ang mga kumpadre nito. Mamayang hapon pa raw ito uuwi. “Um, pasensya po pala at hindi ako nakapunta rito no’ng birthday ni Tito Salvador.” Saad