BANAYAD lang ang lakad ng kabayo kaya kahit papaano ay nagawa ngang mag-enjoy ni Sirak para tanawin ang magandang paligid na nadadaanan nila ni Uran papunta sa Hacienda. Ang buhok niyang nakalugay lang ay bahagya ring isinasayaw ng hangin. Ang mga braso niya ay mahigpit pa ring nakapulupot sa baywang ng binata. “What do you think about the place babe?” mayamaya ay tanong ni Uran sa kaniya. “Maganda,” nakangiting sagot niya. “Nakakarelax ang buong paligid. I’m sure magandang magpinta rito lalo na sa umaga or sa bandang hapon na.” “You’re right babe. Tahimik dito at makakapagconcentrate ka sa trabaho mo.” “Lupain n’yo pa ba ang hanggang doon sa dulo?” tanong niya habang tinatanaw niya ang malawak na kalupaan na dinadaanan nila. “Hanggang sa abot ng paningin mo babe, pag-aari pa rin