“GOOD EVENING PO MA’AM SIRAK!” nakangiting bati ni Eunice sa kaniya nang bumaba siya sa lobby. Naroon ito kasama si Makoy. “Good evening po ma’am Sirak!” bati rin ng binata sa kaniya. Ngumiti siya sa mga ito. “Hi. Saan kayo pupunta?” tanong niya. Tiningnan naman ni Eunice ang kasama nitong binata bago sinagot ang tanong niya. “Um, diyan lang po sa tabi-tabi ma’am. Magpapahangin.” Okay! Sa klase ng titigan at ngitian ng dalawang ito, unang araw pa lamang na nakita niyang magkasama ang mga ito ay may kutob na siyang may something sa mga ito. “Mag d-date kayo ano?” nanunudyong tanong pa niya. Tila nahihiya namang ngumiti ang mga ito sa kaniya. “Alam n’yo... bagay kayong dalawa.” “Ay, nako po ma’am Sirak, h-hindi naman po kami ni Makoy e!” saad ni Eunice. “Pero nanliligaw sa ’yo s