“SIR URAN,” pumasok si Makoy sa opisina ng binata matapos itong kumatok sa pinto. Naglakad ito palapit sa lamesa ni Uran. Hindi manlang siya nag-abalang mag-angat ng mukha upang tapunan ng tingin ang kaniyang secretary. Nakatuon ang kaniyang paningin sa mga papel na binabasa at pinipirmahan niya. Saglit na tumikhim si Makoy at inilapag sa lamesa ang hawak nitong folder. “I’m sorry for disturbing you sir... but I need your sign on these papers para po ma-finalize ko na ang contract na ibibigay sa Imperial State.” Saad nito. Tumigil naman siya sa kaniyang ginagawa, seryoso ang mukha na tiningnan niya si Makoy. Nagbaba naman ng mukha ang huli. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga pagkuwa’y kinuha ang mga papel at pinirmahan iyon. “And, nasa labas na rin po si sir Esrael. Papa