CHAPTER 6

2867 Words
MADALING ARAW pa lamang ay gising na si Sirak at naghahanda na sa kaniyang pag-alis papuntang Airport. Hawak-hawak ang mug ng kaniyang kape habang nakasandal siya sa gilid ng lababo. “Thank you, Pau!” aniya at ngumiti sa kaibigang bading dahil sa pagpresenta nitong ihahatid na siya papuntang Airport para hindi na siya mahirapang maghanap ng Taxi sa labas. Sirak appreciate his effort. Hindi kasi ito morning person, pero ngayon maaga itong gumising para lang ihatid siya. Humikab naman ang huli habang nakaupo ito sa harap ng hapag. “Basta ang pasalubong ko huh!” Muli siyang napangiti at inisang lagok na ang natitirang kape niya at hinugasan na ang mug. “Basta ba susunduin mo rin ako pagka-uwi ko.” Pabirong saad niya. “Namimihasa ka na talaga Maria Sirak Torrefiel,” kunwari ay umirap ito sa dalaga. “Pasalamat ka dahil love kita, kaya okay lang.” Dagdag pa nito at nakangiting umismid. Napailing na lamang siya ’tsaka naglakad palabas ng kusina at pumasok sa kaniyang kuwarto para tapusin na ang pag-aayos ng kaniyang sarili. Pagkatapos ay lumabas na rin siya habang hila-hila ang maleta niyang sakto lang naman ang laki. Kinuha iyon ni Paulo sa kamay niya at ito na ang humila palabas ng kaniyang Apartment. Hanggang sa makalabas na sila ng building at makasakay sa kotse nito. “I know three days is just a short vacation, pero sana... makahanap ka rin ng kalandian mo roon amiga. Para naman magkajowa ka na.” Mayamaya ay saad ni Paulo. Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay niya nang lumingon siya sa bading. “Hindi pa man sumisikat ang araw, Pau. Inuumpisahan mo na naman ako,” aniya. Hindi na kasi talaga natapos itong issue ng mga kaibigan niya tungkol sa pagbo-boyfriend niya o pag-aasawa niya kuno. Bumuntong-hininga ang huli. “Kailan nga ulit ang birthday mo?” sa halip ay tanong nito. “Ah, next month.” Ito na rin ang sumagot. “Next month, twenty seven ka na. Four years nalang, lagpas ka na sa kalendaryo at ilang taon nalang expired na ang matres mo amiga. Mas lalong manggagalaiti sa ’yo sina Tita Magdalena at Tito Arnaldo kasi hindi mo sila binigyan ng apo.” Anito. Napairap na lamang si Sirak na ibinaling niya ang kaniyang paningin sa labas ng bintana. Kapag talaga itong si Paulo ang magsalita sa kaniya tiyak siyang hindi ito titigil hanggat sumasagot siya. Napapagod na rin siyang magbigay ng explanations dito kung bakit ayaw pa niyang mag-asawa. Paulit-ulit nalang naman ang mga sinasabi niya pati sa mga magulang niya. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga at ipinilig niya sa gilid ng bintana ang kaniyang ulo. Inaantok pa rin siya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinayaan na lamang na magsalita nang magsalita ang kaibigan niya. Hindi niya alam na nakaidlip na pala siya. Nagising na lamang siya nang marinig niya ang boses ni Paulo. “Nandito na tayo bakla!” anito. Pagkatingin niya sa labas ng kotse, nasa loob na nga sila ng Airport. Saglit niyang inayos ang kaniyang sarili bago bumaba sa front seat. Si Paulo na rin ang nagbaba ng maleta niya mula sa backseat. “Thank you ulit, Pau!” aniya at yumakap at humalik sa pisngi ng kaniyang kaibigan. “Welcome amiga. Basta, enjoy your three days vacation.” Nakangiting saad nito. Ngumiti na lamang siya at isinukbit niya ang kaniyang shoulder bag. Nang makapagpaalam ng maayos sa kaibigan ay naglakad na rin siya papasok. Bago tuluyang tunguhin ang Departure Area, muli siyang lumingon sa kaibigan niyang naroon pa rin at nakatingin sa kaniya. Kumaway siya rito bago tuluyang tumalikod. Ilang saglit lang ay narinig na rin niyang in-announce ang flight niya. “COUZ!” TILI NANG BABAE. Kaagad namang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ni Sirak nang makita niya ang kaniyang pinsan na naroon na sa labas at naghihintay sa kaniya. Nagmamadali siyang lumapit dito habang hila-hila niya ang kaniyang maleta. Nang makalapit siya sa pinsan ay kaagad siya nitong niyakap nang mahigpit. “I missed you!” anang babae. “Wow! You look even more beautiful now.” Kunot ang noo na ngumiti siya. “Binola mo pa ako,” aniya. Pero sa loob-loob niya... nagpapasalamat siya sa papuri nito sa kaniya. “Ikaw itong mas maganda. Tingnan mo nga ang sarili mo. Para kang model dito sa Madrid.” Saad niya. Tumawa naman ang huli at kinuha sa kamay ni Sirak ang maleta pagkatapos ay yumakap sa braso ng dalaga. “We’re both beautiful, of course magpinsan kasi tayo. Iisang dugo lang ang nananalaytay sa mga ugat natin.” Anito. Napahagikhik na lamang siya. Sa lahat ng kaniyang mga pinsan, itong si Cariba lang talaga ang ka-close niya. Palibhasa’y lumaki silang sabay nang nasa Pilipinas pa nakatira ang pamilya nito. Nagkahiwalay lamang sila no’ng magtapos na sila ng high school. Kinailangan kasing magpunta sa Spain ng pamilya nito dahil naroon na ang stable na trabaho ng mama nito na kapatid naman ng mama niya. “Let’s go. Nasa bahay na si mama at naghihintay sa pagdating mo.” Nagpatianod na lamang siya sa kaniyang pinsan hanggang sa makalabas na sila ng Airport. Sumakay sila sa isang BMW na pag-aari ni Cariba. “Kumusta naman sila tita at tito? Kinukulit ka pa rin ba tungkol sa pag-aasawa mo?” tanong ng dalaga habang binabaybay na nila ang mahabang high way. Maluwag ang kalsada. Kung nasa Pilipinas lang sila ngayon, sigurado si Sirak na sa ganoong oras punong-puno ng sasakyan ang high way. Wala sa sariling napabuntong-hininga na lamang siya. “Hindi na ata ako titigilan nina mama at papa tungkol sa bagay na ’yan.” Sagot niya. “Pagbigyan mo na kasi. Tutal naman at nasa right age ka na.” Hay! Sa Pilipinas, sa Madrid... iisang topic pa rin ang pinag-uusapan. Naririndi na talaga siya kakarinig sa pag-aasawa na iyan. “Couz, alam mo naman ang kuwento ko hindi ba? Hanggat hindi ko pa nagagawa lahat ng mga pangarap ko, hindi pa ako lalagay sa tahimik. At isa pa... nandiyan naman si kuya. Bakit hindi nalang siya ang kulitin nina mama?” “E, alam mo rin naman si kuya Jef... ayaw pa rin no’n magpatali. Kung gusto na niyang mag-asawa, I’m sure dati pa sinalo na niya ang pangungulit nina tita at tito sa ’yo.” Yeah right! Iyon din ang sinabi sa kaniya ng kaniyang kuya dati. Kung may balak na raw itong mag-asawa, sana dati pa ay tinigilan na siya sa pangungulit ng kanilang mga magulang. But sad to say, kagaya niya ay ayaw pa rin lumagay sa tahimik ang kaniyang kuya. Hindi pa raw ito sawa sa pagiging binata. Samantalang, thirty three na ang edad nito. “Don’t worry couz, marami akong single na kaibigan—” “Oh God! Please don’t Cariba!” umiiling pang saad niya upang putulin sa pagsasalita ang kaniyang pinsan. “Why not?” tumatawa pa ito. “I mean—” “Don’t waste your time pinsan. Kasi hindi ko rin naman sila i-entertain,” aniya. “At isa pa, ayokong may aagaw sa time at attention ko ngayon. Busy ako para sa Painting Exhibit ko na mangyayari na in just two weeks. Kailangan kong mag focus. Kailangan kong tapusin lahat ng trabaho ko.” Napabuntong-hininga na lamang si Cariba dahil sa sinabi ni Sirak. “Ang workaholic mo talaga ano? Iyan talaga ang wala ako na hinahanap ni mama at papa.” Anito na ngumiti pa. “Remember the last time na magbakasyon ka rito, sinabi ni mama sa ’yo na kung puwede turuan mo naman akong maging workaholic like you. Grabe talaga si mama.” Tumawa pa ang dalaga habang nakatuon sa unahan ng sasakyan ang atensyon nito. “At si mama at papa naman ay sinabi sa ’yong turuan mo akong gumimik para makahanap ako ng boyfriend ko. Ewan ko ba sa parents ko. Kung nagkataon na naging sakit ako sa ulo nila, ewan ko nalang kung payagan pa nila akong makalabas ng bahay para mag party.” Maging siya man ay natawa na lamang din. Napuno ng masayang kuwentuhan at tawanan ang loob ng sasakyan ni Cariba habang nasa biyahe pa sila. Hanggang sa makarating sila sa isang two story house. Tatlong beses na siyang nakapunta roon sa bahay ng tita niya. Well, kapag kasi nagbabakasyon siya sa Madrid, hindi siya pinapayagan ng tita niya na mag b-book pa siya ng Hotel. Magsasayang lang daw siya ng pera, e samantalang meron namang libre. “Sirak!” Pagkababa pa lamang niya sa front seat at kaagad siyang sinalubong nang isang Ginang. Niyakap siya nito nang mahigpit ay hinalikat sa magkabilang pisngi. “Hi po tita.” Nakangiting bati niya rito. “How was your flight hija?” halata sa mukha nito na excited itong makita ang dalaga. “Okay naman po tita.” “God! Ang ganda-ganda mo lalo ngayon.” Sinuyod pa nito ng tingin ang dalaga, mula ulo hanggang paa. “I told yaa, couz!” anang Cariba nang lumapit ito sa pinsan. “Teka, may boyfriend ka na ba?” “Mom, hayaan na muna natin na makapagpahinga si Sirak bago mo siya i-interrogate about diyan.” Natatawang saad ni Cariba nang mapatingin dito si Sirak. Hinila nito ang pinsan para makapasok na sa loob ng bahay. “I’m just asking. Kasi excited na rin ako na maikasal itong pinsan mo.” Saad pa ng Ginang habang nakasunod sa dalawang dalaga. Nagkatinginan na lamang ang dalawa. “I thought makakapagpahinga ang tainga ko tungkol sa bagay na ’yan.” Bulong na saad na lamang niya kay Cariba. Tumawa naman ang huli. “Let’s go upstairs para makapagpahinga ka muna. Mamaya pupunta tayo sa Hotel.” “Hotel?” kunot ang noo na tanong niya nang balingan niya ng tingin ang kaniyang pinsan habang papanhik na sila sa hagdan. “Yeah! I decided kasi na sa Hotel ako magpa-party para sa birthday ko. Maiba naman. Last year kasi, ’di ba nasa Bar tayo?” anito. Nang makapanhik na sila nang tuluyan sa ikalawang palapag ng bahay ay binuksan nito ang silid. “Share na tayo ng room. Nandito kasi si kuya nagbakasyon din. Kasama niya ang tatlong kaibigan niya kaya may gumagamit sa guest room.” Anito. “No problem.” Sagot naman niya at umupo sa gilid ng kama ni Cariba. “So, ilang araw ka rito?” “Tatlong araw lang siguro. Kasi, I need to finish my Paintings din,” aniya. “Actually, nang tumawag ka sa akin kahapon... I was thinking na mag-unwind muna. Kasi you know, I’m a little out of inspiration para maging maganda ang output ng trabaho ko. Mabuti nalang at tumawag ka.” “Timing pala ako!” anang dalaga at pabagsak na humiga sa malambot na kama. Tumagilid pa ito at itinukod ang palad sa pisngi nito. “Well, actually din... sinabi ko na kay mama at papa na ako nalang sana ang uuwi sa Pilipinas para doon mag celebrate ng birthday ko. But the problem is... aalis sila next week papuntang Austria kaya walang may maiiwan dito sa bahay.” Pagkukuwento pa nito. Mayamaya ay bumukas ang pinto ng kuwarto. Iniluwa roon ang Ginang. “Hindi ka pa ba nagugutom hija?” tanong nito kay Sirak. “Hindi pa naman po tita.” “Are you sure? Kasi nagluto ako ng Chicken and Chorizo Paella. It’s your favorite, I know.” ngumiti pa ito sa pamangkin. Nang marinig niya ang pagkain na iyon ay kaagad siyang napatayo sa kaniyang puwesto at gumuhit din ang malapad niyang ngiti sa mga labi. “Mamaya na tayo mag-usap couz.” Nakangiting saad niya at yumakap sa braso ng kaniyang tita. Masarap magluto ng Paella ang tita Gemma niya kaya sa lahat ng Paella recipe, ang luto nito ang pinakapaborito niya. Kahit busog pa siya, hindi niya tatanggihan ang pagkaing ’yon. “Don’t eat too much, couz! May party pa tayo mamaya.” Anang Cariba bago pa tuluyang makalabas sa kuwarto nito ang pinsan at mama nito. “ARE YOU SURE you want me to wear this?” nakangiwing tanong ni Sirak sa pinsan niya habang nakatayo siya sa harap ng full size mirror at tinitingnan ang sarili niyang repleksyon. She’s wearing white front slit skirt and croptop. Bahagya pa niyang hinihila pababa ang croptop na suot niya. God! Hindi siya sanay na magsuot ng ganoon. Parang kakabagin ata siya nito pagkatapos ng ilang oras. Nagdala naman siya ng damit niya, kasi alam niyang hihilahin na naman siya nitong pinsan niya sa kung saan-saan. She’s wearing jeans kanina... pero pinahubad din iyon sa kaniya ni Cariba at ibinigay sa kaniya ang damit na suot niya ngayon. Ayaw niya sanang pumayag, pero kung anu-ano pa ang sinabi sa kaniya ng dalaga na keyso magtatampo raw ito sa kaniya kung hindi niya isusuot ang damit nito, keyso birthday naman daw nito kaya sana pagbigyan na niya. In the end, wala na rin siyang nagawa. “Yeah! And look at yourself, you’re so pretty and sexy. Minsan lang kita makitang magsuot ng ganiyan.” Anang Cariba. Napabuntong-hininga na lamang siya kasabay nang paglaglag ng kaniyang mga balikat. “E, parang hindi ko naman kayang lumabas ng bahay na ganito ang suot ko.” “Kaya mo ’yan ano ka ba! E, hindi ba’t nagbikini ka na rin dati nang mag beach tayo?” Pinaalala pa nito sa kaniya ang unang beses na napilit din siya nitong magsuot ng bikini. Nasa Madrid din siya noon at nagbabakasyon. Hays! Kapag talagang itong pinsan niya ang nagpupumilit sa kaniya, hindi siya makatanggi. Mabuti na lamang at hindi ito ang nagpupumilit sa kaniya na mag-asawa na siya. Diyos na mahabagin! Kakalimutan niya talagang naging pinsan niya itong si Cariba kapag nangyari iyon. “Bakit ka ba nahihiya? You’re so sexy nga e! I’m sure, maraming mapapalingon sa ’yong mga lalaki kapag nasa labas na tayo. Malay mo...” anito at ngumiti pa ng nakakaloko. “Sabi ko na nga ba e!” saad niya at muling napabuntong-hininga. Hinarap niya ito. “Siguro, kinuntsaba ka na rin nina mama at papa ano?” tanong niya at kunwari ay inismiran niya ito. Ngumiti lamang ang dalaga. “Cari—” “Of course not.” Mabilis na saad nito. “I want you to wear that kasi... um, ano...” huminto ito sa pagsasalita at hindi pa makatingin ng diretso kay Sirak. “I know you, Cariba.” Saad niya habang seryosong nakatitig sa pinsan. “Hindi nga,” anito. “Halika na nga! Umalis na tayo.” ’Tsaka ito nagpatiunang naglakad palabas ng kuwarto nang madampot ang handbag nito na nasa ibabaw ng kama. Wala na ngang nagawa si Sirak kundi ang maglakad na rin palabas at sumunod sa dalaga. Pagkababa niya sa sala, kaagad siyang nakaramdam ng hiya nang makitang naroon ang kuya Patrick niya, kapatid ni Cariba. Kasama rin ng binata ang tatlong kaibigan nito. Nakatingin pa sa kaniya. Malinga-linga tuloy na umakyat ulit siya sa kuwarto ni Cariba at hindi na roon lumabas. “Wow! You look beautiful, Sirak!” Ngiwing napangiti siya sa pinsan niya. “T-thank you, kuya Pat.” Aniya at nahihiyang napatingin sa tatlong kalalakihan na nakatingin pa rin sa kaniya. Napalunok pa siya ng laway niya. Naiilang siya sa mga matang nakatitig sa kaniya ngayon. Samantalang si Cariba naman ay nakangiti lamang sa kaniya habang naghihintay ito sa sala. Tiningnan niya ito ng matalim. Nako! Yare talaga sa kaniya itong si Cariba mamaya. “Where are you going?” tanong ng binata. “We’re having a party kuya.” “Oh yeah! Your birthday celebration.” “Yeah!” “Gusto mo bang ihatid ko kayo ni Sirak?” “Hindi na kuya. I can drive.” “Are you sure? Baka...” mayamaya ay tiningnan nito si Sirak na nakababa na ng tuluyan sa hagdan. “...komportable ka ba sa suot mo, pinsan?” tanong pa nito. “I can go with her.” Saad naman ng isang lalaki na tumayo pa sa puwesto nito. Napatingin dito si Sirak. Guwapo naman at matipuno ang katawan. Pero hindi niya type. Lalo pa at puno ng balbas ang mukha nito. “Shut up Mico! I know hindi ka type ng pinsan ko.” Anang binatang si Patrick at ibinato pa sa kaibigan ang bitbit nitong beer in can. Nasalo naman iyon ng lalaki na tinawag na Mico. Tipid na ngumiti naman si Sirak sa pinsan niya. “Thank you, kuya!” saad niya nang dumaan siya sa tapat nito para lumapit na kay Cariba. “Cari, just give me a call kung may problema kayo.” Nang balingan nito ng tingin ang kapatid. “No worries kuya. We’ll go ahead.” “Ingat kayo!” Pagkalabas nila ng bahay, nakangiti nang malapad sa kaniya si Cariba. Inismiran niya ito. “What? I didn’t do anything, couz!” tumatawa pa ito. “Kung hindi mo lang birthday ngayon... I swear hindi mo ako mapipilit na magsuot ng ganito.” “Thanks God it’s my birthday.” Muli itong tumawa bago sumakay na sa drivers seat. Wala na siyang nagawa kundi ang sumakay na lamang din sa front seat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD