NAKAUPO lamang si Sirak sa mahabang sofa nang makita niyang bumukas ang pinto ng kaniyang kuwarto at iniluwa roon si Uran. Katatapos lamang nito maligo. Gamit ang puting tuwalya na ipinahiram niya rito ay tinutuyo ng binata ang buhok nito. Kanina pagkatapos nilang kumain, habang nasa kusina pa siya at naghuhugas ng mga pinagkainan nila ay tinanong niya ito kung gusto nitong maligo. At nang sinabi ni Uran na oo, pinauna na niya itong gumamit ng kaniyang banyo. “I’m done,” anang binata. Tumayo naman siya sa kaniyang puwesto. “Aalis ka na ba agad?” tanong niya. Saglit na tumigil sa ginagawa nito ang binata at tiningnan ang dalaga. Nang makaramdam siya ng kaunting pagkailang dahil sa klase ng titig ni Uran sa kaniya, bahagya siyang nag-iwas ng tingin dito. Bakit naman kasi tinanong niya