“ARE YOU OKAY?” Biglang napalingon si Sirak kay Uran nang marinig niya ang tanong nito. Nakatuon kasi sa labas ng bintana ang kaniyang atensyon at paningin. Tinatanaw niya ang magandang tanawin na kanilang nadadaanan. Mahigit isang oras na silang nasa biyahe. At hindi siya pamilyar sa lugar na dinadaanan nila ngayon. Dahil naiilang siya sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan ng binata, minabuti na lamang niya na aliwin ang kaniyang sarili sa pagtingin-tingin sa labas ng bintana. “Um, yeah!” sagot niya at ngumiti rito. “Are you not hungry?” Actually, kanina pa siya nakakaramdam ng gutom. Hindi naman kasi siya kumain ng almusal kanina pagkagising niya. Tanging kape lamang ang ininom niya sa pag-aakala niyang makakakain pa siya ng almusal bago dumating si Uran sa kaniyang Apartment