“OUCH!” daing niya nang bigla na lamang siyang mahulog sa kaniyang kama. “Awww!” habang hinihimas-himas niya ang kaniyang ulo na nauntog sa sahig. Ang isang kamay naman niya ay mahigpit na nakayakap sa isang unan niya. Kahit masakit ang ulo at likod niya ay dahan-dahan siyang bumangon at naiinis na pinatay ang alarm clock niyang panay na pala ang tunog kanina pa. Pagkatingin niya sa labas ng kaniyang bintana, mataas na pala sikat ng araw. Buntong-hiningang umupo siya sa gilid ng kaniyang kama at kunot ang noo na bigla siyang napalingon sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Nakasarado naman iyon. Bigla siyang natigilan at napatitig sa kawalan. Diyos na mahabagin! Nananaginip na pala siya kanina. Ang buong akala niya ay totoong naroon si Uran at hinahalikan siya. Oh God! Ano ba itong nangyayari