“I THOUGHT sa Hotel tayo pupunta?” kunot ang noo na tanong ni Sirak kay Cariba nang makababa na sila sa kotse ng dalaga. Nasa tapat sila ng isang Club House.
Ngumiti naman nang malapad ang huli at naglakad palapit kay Sirak.
“I’m sorry couz. I know hindi ka sasama sa akin kung sinabi ko sa ’yong dito tayo pupunta.” Paghingi kaagad nito ng pasensya sa pinsan.
“Cariba,” iyon na lamang ang nasambit niya kasabay nang pagpapakawala niya ng malalim na buntong-hininga. Iba talaga itong pinsan niya.
“I’m sorry. I love you, couz! Let’s go inside. Nasa loob na ang mga kaibigan ko.” Pagkuwa’y yumakap ito sa braso ni Sirak at iginiya na ang pinsan papasok sa entrace ng Club House.
Malakas na tugtog at iba-ibang kulay ng ilaw na umiikot pa ang sumalubong kay Sirak at Cariba nang makapasok na ang dalawa sa loob. Maraming tao ang nagsasayaw sa dance floor. Minsan nagsisigawan pa habang sinasabayan ang malakas na tunog ng musika.
“I’m sure mag-i-enjoy tayo tonight. Lalo na ikaw, couz.” Sigaw ni Cariba sa tapat ng tainga ni Sirak upang marinig ng pinsan ang sinasabi nito. “Let’s go. Nandoon ang lamesa natin.” Muli nitong hinila si Sirak at nakipagsiksikan sa mga taong nagsasayawan sa dance floor.
Yakap-yakap ang sarili, pilitin mang umilag ni Sirak sa mga lalaking pilit na dumidikit sa kanila ni Cariba, wala rin siyang nagawa. Halos magkapalitan na nga ng mga mukha ang mga nagsasayaw roon sa sobrang dami ng tao. Hanggang sa makarating sila sa kabilang dulo. Pagkalapit nila sa isang lamesa, tatlong babae at dalawang lalaki ang nakita niya. Kaagad na tumayo ang mga ito at yumakap at hinalikan sa pisngi si Cariba.
“Feliz cumpleaños, Cariba!” Happy birthday, Cariba!
“¡Gracias!” anang Cariba habang malapad ang pagkakangiti nito. “Por cierto, esta es mi prima, Sirak.” By the way, this is my cousin, Sirak. Ipinakilala ni Cariba ang pinsan sa mga kaibigan nito.
Ngumiti naman si Sirak sa mga babae at inilahad ang kaniyang kamay upang makipagkilala sana, pero nagulat naman siya nang bigla siyang yakapin ng isang babae.
“Hi, I’m Nicola.” Anito.
Gumaya rin ang dalawang babae. Yumakap sa kaniya at hinalikan siya sa magkabilang pisngi at nakipagkikila. Nahihiya man, pero pilit pa rin siyang ngumiti.
Ang dalawang lalaki naman ay tumayo rin at nakipagkilala sa kaniya. Ang akala pa niya ay yayakapin din siya ng mga ito kaya medyo naalerto siya.
“Dustin.” Anang isang lalaki na nakangiti pa at inilahad ang kamay sa dalaga.
“H-hi, nice to meet you!” aniya.
“Bene!”
“Hi!”
“So, let’s party? Let’s enjoy the night!” sigaw na saad ni Cariba.
“Yeah! Let’s party!”
Mas lalong lumakas ang tugtogan sa loob ng Club House na iyon.
MAG-ISANG nakaupo lamang si Sirak sa tapat ng lamesa habang nakatingin siya sa mga taong nagsasayaw pa rin sa dance floor. Naroon ang kaniyang pinsan na todo kung umindayog kasama ang mga kaibigan nito.
Bumuntong-hininga siya nang malalim pagkuwa’y kinuha niya ang high ball glass na may lamang tequila sunrise na in-order ni Cariba kanina para sa kaniya. It’s a lady’s drink kaya walang problema. Kahit hindi siya sanay uminom ng alak, hindi naman siya malalasing doon.
“Hi!”
Kaagad siyang napatingin sa lalaking lumapit sa kaniya. Nakangiti pa ito sa kaniya. Ito ang kaibigan ng pinsan niya na nagpakilala kaninang Dustin daw.
Tipid siyang ngumiti sa lalaki. “Hi!” bati niya rin dito.
Umupo ang lalaki sa kabilang bahagi ng lamesa. “¿Por qué estás sentado aquí? ¿No quieres bailar?” Bakit nakaupo ka lang dito? Ayaw mo bang sumayaw? Tanong nito.
Muli siyang ngumiti sa lalaki. “I... don’t know how to speak Spanish.” Saad niya.
Bigla namang natawa ng pagak ang lalaki at tumango. “Sorry! Akala ko marunong ka ring magsalita ng Espanyol.” Anito.
Biglang nagsalubong ang mga kilay niya nang marinig niyang nagsalita ng tagalog ang lalaki. “Pinoy ka rin pala!” aniya.
Tumango naman ito. “Yeah! Purong Pinoy.”
Napatango-tango naman siya. Ang akala niya ay purong Spanish ang lalaking ito. Sa hitsura palang naman kasi hindi na masasabing Pinoy ito. Although he’s moreno, pero siguro matagal na itong naninirahan sa Spain kaya ganoon na ang dating ng hitsura nito.
“Pinsan ka pala ni Cariba. Ngayon lang kita nakita.” Muling saad ng lalaki matapos nitong tumungga sa bote ng beer na hawak nito.
“Um, yeah! Magpinsan kami. Ngayon lang din ako nakabalik dito para magbakasyon.” Sagot niya.
Well, sa totoo lang... hindi niya ugaling makipag-usap sa taong hindi niya ganoon ka-close o kakilala. Lalo na sa mga lalaki. Iyon ang pinakauna niyang inaayawan. Kapag nga may mga lalaking alam niyang lalapitan siya at susubukang magpalipad hangin sa kaniya ay binabara kaagad niya. Pero ngayon, parang hindi naman niya ma-feel na isnabin ang lalaking ito. Mukhang hindi naman kasi mayabang ang dating nito sa kaniya. Wala siyang maisip na dahilan para hindi ito kausapin o pakiharapan ng maayos.
“Nandito ka lang pala for vacation. Sa Pilipinas ka ba nag-i-stay?” tanong nito.
“Yeah!” tipid na sagot niya.
“I’m Dustin Alvarez, again by the way.” Inilahad nito ang kamay sa dalaga upang muling pormal na makipagkilala.
Tinanggap naman iyon ni Sirak. “Sirak Torrefiel.”
“Torrefiel? Are you related with Jefrex Torrefiel?” kunot ang noo na tanong nito.
“Y-yes! He’s my brother actually.”
“Wow! What a coincidence.” Tumawa pa ito habang nakatitig sa mukha ng dalaga. “He’s my friend.” Anito.
“Really? Ang liit lang pala talaga ng mundo.” Saad niya na napangiti na rin ng malapad. Akalain mo ’yon? Nakilala pa niya sa Madrid ang kaibigan ng kuya niya.
Dahil doon, hindi na namalayan ni Sirak ang sarili niya na nag-i-enjoy na nga siyang kausap ang lalaki. Lalo pa’t kuwela at may sense of humor itong kausap. Hindi nakaka-boring kasama at kakuwentohan. Ang daming kuwento na nakakatawa. Hindi na nga rin niya namamalayan na naparami na ang inom niya ng alak. Nagpapalitan na sila ng mga kuwento tungkol sa sarili.
“Wow! Mukhang close na agad kayo huh!” anang Cariba nang lumapit ito sa lamesa at makitang nagkakasiyahan ang dalawa.
“He’s funny.” Tumatawang saad ni Sirak sa kaniyang pinsan. May paghampas pa siya sa balikat ng lalaki habang hawak-hawak naman niya sa isang kamay ang baso ng Margarita.
“And she’s funny too.” Saad din ng binata. Kagaya ni Sirak, tumatawa pa ito.
“And she’s drunk too.” Anang Cariba at napangiwi pa habang tinititigan ang hitsura ng pinsan. Umupo ito sa tabi ni Sirak. “God! Why did you let her drink that much, Dustin?” nasa tuno pa nito ang paninisi sa binata kung bakit nalasing ang pinsan nito.
“What? E, siya naman ang nag-insist na iinom siya ng marami.”
Bumuntong-hininga nang malalim si Cariba na sinabayan pa ng pag-irap at pag-iling sa kaibigang lalaki. “Lagot ako nito kay mama.”
“Why? I’m not drunk naman, Cari!” saad ni Sirak na yumakap pa sa braso ng pinsan niya.
“You’re drunk.” Anito at kinuha sa kamay ni Sirak ang baso ng Margarita. “That’s enough.”
“Wait! Hindi pa kami tapos uminom ni Dustin. Akina ’yan—”
“That's enough, couz. You’re already drunk. Come on, umuwi na tayo.”
“What?” tanong ng lalaki. “It’s too early to leave, Cariba.”
“Kasalanan mo ‘to Dustin. Hinayaan mo siyang maglasing.” Sa halip ay paninisi nito sa binata.
“Why me? Hindi ko naman alam na hindi pala siya malakas uminom ng alak.”
“I’m okay—”
“Okay! Get up and let’s go home. Come on, Dust... help me.” Anito sa binata.
Kaagad namang tumayo ang lalaki at tinulungan si Cariba na alalayan si Sirak para tumayo at maglakad palabas ng Club House.
“I’m enjoying the party!” parang batang nagta-traum si Sirak habang inaakayan na siya ng dalawa papalabas.
Napailing na lamang si Cariba. Oh God! She’s really drunk. Pulang-pula na rin ang mukha ni Sirak. Hindi mahilig uminom ng alak ang dalaga kaya madali itong tinamaan dahil sa alcoholic drinks na ininom nito kanina. And it’s Cariba’s fault. Dahil hindi nito binantayan ang pinsan, ayon tuloy at naparami ang inom ng dalaga.
“Thank you, Dust!”
“Yeah no worries. I’m sorry again, Cari.” Anito. “And, happy birthday again.”
“Thank you!”
Pagkasakay ni Cariba sa drivers seat ay kaagad nitong binuhay ang makina ng sasakyan nito at pinaandar iyon.
KINABUKASAN nang maalimpungatan si Sirak, kaagad siyang napadaing nang maramdaman niya ang kirot sa kaniyang sentido. Kumilos siya sa kaniyang puwesto habang nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata.
“Ahhh!” daing niya habang nakahawak ang isang palad niya sa kaniyang noo.
“Are you okay, couz?” tanong naman ni Cariba na kalalabas lamang mula sa banyo nito.
“Ang sakit ng ulo ko.” Reklamo niya. Mayamaya ay bigla rin siyang napatutop sa kaniyang bibig. “I think I’m gonna throw up.” Aniya.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Cariba. “What?” tanong nito at mabilis na binitawan ang hawak na tuwalya. “Wait lang! Huwag kang sumuka sa sahig ko.” Nagmamadali itong lumapit sa gilid ng desktop nito para kunin ang trash bin na naroon. “Here!”
Kaagad namang dumapa si Sirak sa gilid ng kama at sa basurahan sumuka.
“God! Bakit kasi ang dami mong ininom kagabi?” habang hinihimas ang likod ng pinsan nito. “E, alam mo namang hindi ka malakas sa alak.”
“It’s your fault, Cariba!” paninisi niya. Pagkatapos niyang ilabas ang lahat ng sama ng sikmura niya ay inabutan naman siya ni Cariba ng tissue. Patihaya siyang humiga ulit sa kama. “Ang sakit ng ulo ko!” daing pa niya.
“Mawawala rin ’yan mamaya.” Anang dalaga at tumayo na sa puwesto nito. Ngumiti pa ito. “At least, nabinyagan ka na ng maraming alak.”
“I hate you!” iyon lamang ang nasabi niya sa kaniyang pinsan.
Tumawa naman si Cariba. “Get up. Maligo ka na para mawala ang hang over mo.”
“Inaantok pa ako.”
“Come on! Mawawala rin ’yan. Go! Nagluto rin si mama ng soup para sa atin.”
Kahit tinatamad pa, wala pang lakas ang katawan niya na bumangon sa higaan... napilitan na rin siyang tumayo sa kaniyang puwesto at nahihilo pang naglalad papunta sa banyo. Nakapikit at naghihikab pa siyang tumayo sa ilalim ng shower. Mayamaya ay bigla na lamang siyang napasigaw nang bumuhos sa kaniya ang malamig na tubig.
“Ahhh!”
“Ayan, gising ka na ’di ba?” tumatawang saad ni Cariba.
“I hate you, Cariba!” naiinis na saad niya sa pinsan. Matalim na titig pa ang ipinukol niya rito.
“Maligo ka na at aalis tayo.” Iyon lamang ang sinabi ng dalaga at lumabas na sa banyo.
“GOOD MORNING PO SIR!” anang Makoy nang makapasok ito sa opisina ni Uran. “Ito na po ang mga files na hinihingi ninyo sa akin kahapon sir.”
Binitawan naman ni Uran ang ballpen na hawak niya at tinanggap ang mga files na iniabot sa kaniya ng kaniyang sekretarya. Saglit niya iyong tiningnan at binasa.
“Nakapag-book ka na ba ng flight ko?” seryosong tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa papel na hawak niya.
“Yes po sir Uran. This afternoon, two o’clock po ang flight ninyo.”
“Okay! And, cancel my meetings tomorrow and the other day.”
“Noted po sir!”
“Ikaw na rin ang bahalang magbigay kay Judas nang mga files na kailangan niya para mapag-aralan niya ang business proposal ko.”
“Okay po sir. Noted po!”
“You can go.”
Iyon lamang at muling itinuon ni Uran ang kaniyang atensyon sa mga papeles na kaniyang pinipirmahan kanina. Kailangan niyang matapos iyon bago siya umalis mamaya patungong Madrid. Mga ilang araw na naman siyang mawawala kaya siguradong matatambakan na naman siya ng mga gagawin niya pagkabalik niya.
Hindi na sana siya aalis patungong Madrid kung hindi lamang nagkaroon ng emergency meeting ang family business nila roon. Hindi naman makaalis ang papa niya para ito ang magtungo roon dahil kagagaling lamang ng Señor Salvador sa ospital. Hindi rin naman siya umaasa na magpepresenta ang kapatid niyang si Sebas na ito na lamang ang pupunta roon, dahil panigurado siyang busy na naman ito sa ibang mga bagay. Kaya kahit ayaw man niyang iwanan ang kaniyang trabaho, no choice rin naman siya.
Halos dalawang oras ang lumipas bago niya natapos ang kaniyang trabaho. Sakto nang magligpit na siya ng kaniyang mga gamit sa ibabaw ng lamesa ay bumukas naman ang pinto ng kaniyang opisina at muling pumasok doon ang kaniyang sekretarya.
“Sir, nandiyan na po sa lobby ang driver ninyo.”
Isang tango lamang ang ginawang tugon ni Uran kay Makoy bago niya isinuot ang kaniyang coat at binitbit ang itim na bag. Tahimik siyang lumabas ng kaniyang opisina at tinungo ang elevator.
“HOW ARE YOU?”
“Um, ito... medyo masakit ang ulo ko.” Sagot ni Sirak sa binatang si Dustin.
Nasa loob sila ng isang coffee shop. Wala sana siyang balak na sumama kay Cariba na lumabas kasi gusto niya lang matulog dahil inaantok pa siya at masakit ang ulo niya. Pero sa huli ay pumayag na rin siya. Ang mga kaibigan lang kasi ng kuya Patrick ni Cariba ang naiwan sa bahay, ayaw naman niyang magpaiwan din doon kasama ang mga lalaking hindi niya kilala. Kaya hayon, kahit halos mahulog na ang mga talukap niya... pinipilit niyang magising ang diwa niya. Nakadalawang tasa ng kape na rin siya simula kanina. Pero parang hindi naman effective sa kaniya ang kape ngayon. Inaantok pa rin kasi siya. At ang magaling niyang pinsan din, iniwan siya sa lamesa nila nang dumating ang kaibigan nitong si Dustin. Kaya ang ending, itong binata ang kasama niya ngayon.
“Sorry pala sa nangyari kagabi huh!”
Kahit may suot na malaking itim na ray-ban... nagsalubong ang kaniyang mga kilay at napatitig sa mukha ng binata. “Sorry for what?”
“Kasi nalasing ka. I mean, hindi ko naman alam na hindi ka pala umiinom ng alak. Kung alam ko lang sana, pinigilan kita kagabi.”
Ngumiti naman siya sa binata. “Okay lang ’yon. Walang problema,” aniya. “Hindi mo naman kasalanan kung bakit nalasing ako kagabi. Actually, gusto ko lang din ma-experience ang uminom ng ganoon.”
“Why? Hindi ka pa nakakapag-inom ng ganoon? I mean, hindi ka ba mahilig sa night life?”
Umiling siya. “I’m not a party girl... like Cariba. Mas gusto ko pang nasa loob lang ako ng Apartment ko. Doing my paintings.”
“What? You do paintings?”
“Yes.”
“Wow! What a coincidence again.”
“Nagpipinta ka rin ba?”
“No. I mean, I collect paintings. Portrait. Things like that.” Anito.
“Talaga?”
“Yeah! Actaully, hindi ko rin alam kung bakit nahilig akong mangulikta ng paintings.” Bahagya pa itong tumawa. “My mom kasi, she likes paintings. Siguro nahawa lang ako sa kaniya.” Dagdag pa nito. “By the way, can I see your work?”
“Sure! Wait lang.” Aniya at kinuha niya ang kaniyang cellphone na nasa bag niya. Binuksan niya ang gallery niya at ipinakita sa binata ang mga gawa niya.
“Wow! This is beautiful. Ang galing mo naman.”
Ngumiti siya sa binata nang puruhin nito ang mga ginawa niyang paintings. “Thank you!”
“Sumasali ka ba sa mga Painting Exhibit? I mean, I’m sure... maraming bibili ng gawa mo.”
“Yeah I did. Actually, may dadaluhan din akong bago ngayon. I mean, in just two weeks. Kaya nga pumunta ako rito para mag relax muna saglit. Pagkauwi ko ng Pilipinas, sasabak na naman ako sa matinding trabaho.”
“In just two weeks huh? Mmm! Ibibigay ko sa ’yo ang number ko. Then, just let me know kung kailan ang exact date ng Exhibit n’yo. I’m sure uuwi ako ng Pilipinas para makapunta ako at makabili ng gawa mo.”
“Really?” natuwa naman agad siya dahil sa sinabi nito.
“Of course. Ang gaganda ng gawa mo. Sigurado rin akong matutuwa ang mommy ko kapag binilhan ko siya ng bagong painting.”
“Wow! Thank you! So, hindi na pala ako dapat kabahan. Kasi ngayon palang may sure buyer na ako.” Pabirong saad niya rito.
Well, paano naman kasi... sa tuwing sasali siya sa mga Painting Exhibit, kinakabahan siya na baka walang may pumansin sa mga gawa niya. Baka walang may bumili. Noon kasi, unang beses na dumalo siya sa painting exhibit, halos maiyak siya nang malaman niyang wala manlang may tumitingin sa mga gawa niya. E, naawa naman sa kaniya ang kuya niya... kaya ang ginawa ng kuya Jefrex niya, binili nito lahat ng paintings niya. Sa sumunod na sali niya ulit, ang mga kaibigan ng kuya niya, mga amiga ng mama at papa niya ang pumunta at naging buyers niya. Although, alam naman niyang pinakiusapan lang ng pamilya niya ang mga ito na bumili ng paintings niya, nagpapasalamat pa rin siya sa effort ng mga ito para lang hindi bumagsak ang tiwala niya sa sarili niya. And after few years... unti-unti naman ng nakikilala ang mga gawa niya. May mga regular customer at clients na rin siya. Naging painting instructor na rin siya. At masasabi naman niyang kahit papaano ay unti-unti ng nagiging successful ang karera niya.
“Trust me, I’ll be there. Baka pakyawin ko na rin ang paintings mo kapag nagkataon.”
“Aasahan ko ’yan!” tumawa pa siya.
“NEXT TIME, hindi na talaga ako papayag na tatlong araw lang ang bakasyon mo rito.” Malungkot na saad ni Cariba kay Sirak habang nakayakap ito sa braso ng pinsan.
Nasa Airport na sila at inihatid nito si Sirak.
“Kung wala lang akong ginagawang importanteng trabaho ngayon, I’m sure mag-i-extend ako ng vacation ko rito. Kahit pa one month, okay lang. Pero kasi, kailangan ko ring umuwi ng Pilipinas.” Aniya.
“Basta, kung hindi man ako ang umuwi roon... ikaw ang bumalik dito after your exhibit huh! Kulang ang dalawang araw na ipinasyal natin dito.”
Ngumiti siya sa pinsan niya nang bumitaw na ito sa braso niya. “I promise,” aniya. “And thank you uli pinsan.”
“Thank you, kasi pumunta ka rito para samahan ulit ako sa birthday ko.”
Yumakap siya rito at nagpalitan sila ng halik sa magkabilang pisngi. “Pakisabi nalang din kay tita at tito na thank you sa pagpapatuloy ulit sa ’kin.”
“Alam na nila ’yon.”
“So, paano... papasok na ako. Thank you ulit, pinsan.”
“Bye! Ingat ka couz. I love you!”
“I love you too!”
Pagkatapos nilang magpaalam sa isa’t isa ay hinila na rin niya ang kaniyang maleta papasok sa loob ng Airport. Hanggang sa marating na niya ang Departure Area.
HILA-HILA ang maleta niya habang naglalakad sa aisle sa loob ng Eroplano habang hinahanap niya ang kaniyang upuan.
“Oppps! Sorry!” aniya nang masagi niya ang isang pasahero na nadanan niya.
Muli siyang naglakad. Nang makita niya ang number ng kaniyang upuan ay muli siyang napabuntong-hininga. Paano naman kasi itong pinsan niya, alam naman nitong ayaw niya na umuupo sa gilid ng aisle kasi madali siyang mahilo, iyon pa ang kinuhang puwesto para sa kaniya. Kung sana siya ang nagbook ng flight niya, sa tabi ng bintana ang kukunin niya.
“Argh Cariba!” tanging nasambit na lamang niya at binuhat na ang kaniyang bagahe upang ilagay na iyon sa overhead locker. Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim. Mayamaya ay bigla naman siyang nakaisip ng ideya nang makitang wala pang may nakaupo sa katabi ng upuan niya. Dali-dali siyang umupo sa tabi ng bintana. Nang maayos na ang puwesto niya ay isinuot niya ang shades niya at nagkunwaring tulog na. Iyon na lamang ang gagawin niya. Baka sakaling hindi na siya gisingin ng taong dapat ay katabi niya mamaya.
“Excuse me!”
Pero mayamaya ay may narinig siyang boses ng isang lalaki. Hindi naman siya kumibo at sumagot. Nagkunwari pa rin siyang tulog.
“Excuse me. That’s my seat.”
Hayaan mo siya, Sirak! Mananahimik din ’yan mamaya. Mapipilitan din siyang umupo sa puwesto mo. Sa loob-loob niya habang hindi pa rin siya umiimik sa kaniyang puwesto.
Pero mayamaya, may kamay ang humawak sa balikat niya at bahagya siyang niyugyog.
“Ma’am,”
Boses na ng isang babae ang tumawag sa kaniya.
Argh! Nakakainis! Sa isip-isip niya. Wala na rin siyang nagawa kundi ang magmulat ng mga mata at tinanggal ang suot niyang ray-ban.
Mabilis na ngumiti ang babaeng flight attendant. “I’m sorry po ma’am... but, you have to move here to your seat para po makaupo na rin si sir sa puwesto niya.”
Mabuti nalang pala at Pinay na flight attendant ang lumapit sa kaniya.
Tipid siyang ngumiti rito. “Pero, puwede bang... dito nalang ako umupo? I mean, kasi hindi ako sanay na nasa tabi ako ng aisle nakaupo e! Madali kasi akong mahilo.” Paliwanag niya sa babae.
“Hindi po kasi ’yon puwede ma’am. Kung nasaan po ang puwesto ninyo, doon lang po tayo kailangan na umupo.”
“But—”
“Look miss, that’s my seat. Just move to your seat so that I can sit in my seat because I’m tired and I want to rest.”
Kaagad na napatingin si Sirak sa lalaking nagsalita na nasa likuran ng babaeng flight attendant. Ewan, pero nang makita niya ang guwapong mukha ng lalaki ay bigla siyang natahimik at napatitig dito.