“W-WHAT are you doing here?” tanong niya sa binata na ngayon ay nakatayo sa tapat ng kaniyang Apartment. “Hi! Will you not let me in?” sa halip ay balik na tanong ni Uran sa dalaga. “Um,” aniya at napalingon sa sala niya. “P-puwede bang huwag na?” saad niya at pilit na ngumiti rito. “Why not?” tanong nitong muli at kumilos sa puwesto nito. Hindi pa man iniimbitahan ng dalaga, itinulak na ni Uran ang pinto at pumasok ito sa loob. Wala namang nagawa si Sirak kundi ang mapakagat na lamang sa ilalim ng labi niya at sumunod sa binata. Nagmamadali siyang naglakad palapit sa sofa upang tanggalin doon ang mga kalat na nakapatong. May mga kahon ng pintura at paintbrush din na naroon sa tabi niyon na kakabili niya lamang noong isang araw. Pati na rin ang mga blank canvas na iba-iba ang sizes.