“KAYA pala familiar ka sa ’kin kanina nang makita kita, kasi isa ka palang Ildefonso.” Seryosong saad ni Arnaldo sa binata. Ngumiti naman si Uran at binalingan ng tingin ang kaniyang nobya na nasa tabi niya. “Yes sir. My father is Salvador Ildefonso.” Saglit na nahigit ni Magdalena ang paghinga nito at dahan-dahan na ipinulupot ang kamay sa braso ng asawa. Pilit pa rin itong ngumingiti ngunit hindi na katulad kanina na makikita sa mga mata nito ang tuwa. “Okay lang po ba kayo ma?” tanong ni Sirak sa ina nito. “Y-yeah. Yeah I’m fine hija.” Anito. “Kilala sa business industry ang mga Ildefonso. And your father is one of my competitors.” Saad ni Arnaldo. Tipid naman siyang ngumiti rito at bahagyang tumikhim. “Hindi naman po siguro magkakaroon ng problema ang relasyon namin ng anak nin