“HEY! How are you?” tanong ni Sebas sa kapatid na si Uran nang makapasok ito sa opisina ng binata.
Kaagad namang nag-angat ng mukha si Uran at tiningan ang kaniyang kapatid. “What are you doing here?” sa halip ay balik na tanong niya rito habang magkasalubong pa ang kaniyang mga kilay.
Natawa naman ng pagak ang huli. “I should be the one asking you that question brother. What are you doing here? Akala ko ba sa Madrid ka na muna mananatili?” tanong pa nito ’tsaka umupo sa silyang nasa tabi ng lamesa nito.
Mabilis na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Uran pagkuwa’y binitawan ang ballpen na hawak at sumandal sa kaniyang swivel chair.
“What made you change your mind para umuwi ka kaagad dito?” tanong pa nitong muli habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. “Is it Marya?”
Dagdag pa nito na siyang ikinakunot lalo ng kaniyang noo.
“Come on! I know si Marya naman ang dahilan kung bakit ka umalis month ago brother.”
“It’s not about Marya, Sebas!” seryosong saad niya.
“I’m your brother and you can’t lie to me Uran.” Anito.
“Pumunta ka ba rito para lang itanong sa ’kin ’yan? Para isturbuhin mo ang trabaho ko?” inis na tanong niya. Tiningnan niya pa ng masama ang kapatid.
Muling tumawa ng pagak si Sebas. “Well, the truth is... inutusan ako ni mama na puntahan ka. May dinner daw sa bahay tonight.” Biglang naging seryoso ang hitsura nito.
“I can’t tonight. Marami akong tinatapos na trabaho.” Aniya at muling kinuha ang binitawang ballpen kanina. Muli niyang ipinagpatuloy ang ginagawang pagpirma sa sandamakmak na papeles na nasa harapan niya.
“Or maybe you’re still avoiding her and papa, dahil alam mo kapag nag-aya sila ng dinner ay may pag-uusapan na namang importante... about you.”
Hindi umimik si Uran matapos marinig ang mga sinabi ng kaniyang kapatid. Well, he’s right. Kapag ang kanilang mama ang nag-aya ng dinner, that means may importante na namang pag-uusapan. At iyon at ang tungkol sa pag-aasawa niya na matagal ng hinihiling ng mga ito sa kaniya pero hindi niya naman mapagbigyan. Alright, noong una ay pinag-iisipan na niya ang pagpayag tungkol doon, pero nang malaman niyang walang gusto sa kaniya si Marya; sa halip ay sa pinsan niyang si Judas nagkagusto ito, muli na namang bumalik sa dati ang desisyon niya. He can’t marry with someone na hindi niya naman gusto. Hindi niya puwedeng pagbigyan ang mga magulang nila; not now.
“Just tell mama that I can’t make it tonight. I have a lot of work to do.” Aniya nang muling tapunan ng tingin ang kaniyang kapatid.
Napapailing na lamang si Sebas. “Hang Out, tonight? Girls Hunting.” Sa halip ay saad nito.
“Just go, Sebas.”
“Come on! I’m sure one month ka ng hindi nakakatikim ng alak sa Madrid dahil puro trabaho ang inaatupag mo roon,” anito. “There’s a lot of girls out there brother. Move on! Hindi mo na puwedeng magustohan si Marya dahil masaya na sila ni Judas.”
Yeah! He’s right again! Iyon ang sabi sa kaniya ng kaniyang sekretarya. Ewan niya ba kung NBI ba ang dating trabaho ng kaniyang sekretarya at laging nagbibigay sa kaniya ng update tungkol kay Marya at Judas. Hindi niya naman ito inuutusan na gawin iyon. But thanks to him, nalalaman niyang masaya ang dalaga sa piling ng kaniyang pinsan. Kahit masakit para sa kaniya.
“I’ll introduce you to my girl friends—”
“I don’t need them, Sebas.” Mabilis na saad niya dahilan upang maputol ito sa pagsasalita.
Isang malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Sebas habang nakatingin ito sa kapatid. Hindi talaga nito maintindihan kung bakit kailangan ng kapatid nito na magmukmok sa isang tabi at maging broken hearted dahil sa isang babae. E, ang dami-dami namang babae sa paligid, he can choose whoever he wants. Kahit ilan pa.
“Tonight. I’ll wait for you at the Hang Out. Kapag hindi ka dumating, sasabihin ko kay nama na uuwi ka sa bahay para mag dinner.” Anito at tumayo na sa puwesto nito.
Wala sa sariling napaangat muli ang mukha ni Uran upang tingnan ang kaniyang kapatid. Mabilis ding nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Isang ngisi naman ang ibinigay sa kaniya ni Sebas bago ito tumalikod at lumabas sa kaniyang opisina.
Napabuntong-hininga na lamang siya kasabay nang pag-iling niya.
“I THOUGHT hindi ka na dadating.” Nakangiting saad ni Sebas sa kapatid nito nang nasa loob na sila ng VIP room sa bar ni Judas. Kasama ang pinsang si Abraham, isang oras din silang naghintay doon sa pagdating ni Uran.
Pagkaupo sa sofa ay kaagad siyang nagsalin ng alak sa baso niya. Niluwagan din niya ang suot na necktie bago inisang lagok ang laman ng baso.
“Are you okay?” tanong ni Abraham sa pinsan. Kakauwi lang din nito galing Berlin. Magbabakasyon ng isang buwan dahil natapos na rin ang project nito sa abroad.
“Do you really think he’s okay, bro?” tanong din ni Sebas. Tumawa pa ito ng pagak.
Matalim na titig ang ipinukol dito ni Uran. Talagang nang aasar sa kaniya ang kaniyang kapatid.
“I ordered women. Mamaya ay darating na rin ang mga ’yon.” Saad nito. “Para naman uminit ang gabi natin. Boring kung tayo lang dito.” Dagdag pa nito ’tsaka tinungga ang boteng hawak nito.
“Huwag mo nga kaming idamay ni Uran sa pagiging babaero mo, Sebas!” anang Abraham.
Muling natawa ng pagak ang binata. “And why?” tanong nito. “Don’t tell me after nang break up ninyo ni Latina noon, hanggang ngayon good boy ka pa rin?” nakakalokong ngiti pa ang pinakawalan nito.
“Don’t even include Latina in our conversation, Sebas.”
“Why? Kasi hindi ka pa rin nakaka-move on sa kaniya?” tanong pa nitong muli. “Come on, Nikolo Abraham Ildefonso,” anito. “We are Ildefonso! Hindi dapat tayo nagpapaapekto sa mga babaeng ’yan! Look at my brother.” Anito at tinapunan ng tingin si Uran. “Because of Marya, he was brokenhearted. And it seems na hindi pa rin siya maka-move on kahit masaya naman na ang babaeng mahal niya sa piling ni Judah. And you—you’re still inlove with Latina. Oh! Don’t deny it,” mabilis na saad nito nang mag re-react na sana si Abraham sa sinabi nito. “I can see it in your eyes the way you looked at her no’ng birthday ni Esrael.” Saad nito na umiling pa. “You people fell inlove. And because of that love, naging ganiyan na kayo.”
“Hindi ka pa kasi nai-in love kaya hindi mo naiintindihan ang mga pinagdadaanan ng mga puso namin, Sebas.” Anang Uran sa kapatid niya.
“Exactly!” mabilis na pagsang-ayon ni Abraham. “Hindi mo kasi alam kung ano ang mga pinagdaanan namin makuha lang ang babaeng mahal namin,” anito. “We did everything. We invested so much time and effort just to proved how much we loved them.” Napailing pa ito nang sunod-sunod habang nakatitig ng seryoso sa pinsan. “I did everything for Latina. I changed myself for her. Dahil ayoko na ang life style na nakasanayan ko ang maging dahilan ng pag-aaway namin.” Mayamaya ay bumuntong-hininga ito at sumimsim sa baso na hawak nito. Nagkibit pa ito ng mga balikat pagkatapos. “Pero siguro we’re not really meant to be... kaya nauwi lang ang lahat sa wala.” Nanahimik itong bigla nang maalala ang mga nangyari sa kanila nang dating kasintahan. It’s been three years since they broke up. Pagkatapos nang araw ng paghihiwalay nila noon sa Greece, nito na lamang sila ulit nagkita ni Latina.
“That’s the reason why I don’t commit serious relationship.” Saad ni Sebas matapos ang ilang segundong katahimikan sa loob ng VIP room na iyon. “Ayoko ng obligation. Ayoko ng may magmamando sa oras at galaw ko. Kapag nagseryoso ako sa isang babae, hindi ko na magagawa lahat ng nakasanayan ko na. Just like you, A.” Saad pa nito kay Abraham.
“It’s love Sebas! Hindi lang ’yon basta serious relationship.” Saad naman ni Abraham. “Kapag nagcommit ka sa isang relasyon, ibig sabihin you’re willing to change your life or even your life style para sa babaeng mahal mo. It doesn’t matter kung maging under ka sa kaniya o mandohan niya ang mga galaw mo. You love her kaya handa kang gawin lahat ng sasabihin niya. If it’s only for the better for your relationship.”
Napasimangot bigla si Sebas dahil sa mga sinabi ni Abraham. Napailing pa itong muli. “You’re all the same,” anito. “Una, si Octavio. Si Esrael, si Judah, itong si Uran. Lahat kayo puro bulaklakin na ang mga salita n’yo! Hindi ba kayo kinikilabutan kapag nagsasalita kayo ng ganiyan?” tanong nito at kunyari ay kinilabutan pa ito.
“Ipagdadasal ko talaga na makahanap ka ng babaeng magiging katapat mo. Para mas mahirap pa ang pagdaanan mo kaysa sa mga pinagdaanan namin.” Anang Uran sa kapatid.
Biglang napahagalpak ng tawa si Sebas. “Bro, I don’t think you know how to pray.” Pagbibiro nito.
Napailing na lamang si Abraham at tumungga sa basong hawak nito. Mukhang matagal pa ata magbabago itong pinsan niya. Puro pambababae lang ang alam nitong gawin ngayon. “Tatawanan talaga kita kapag ikaw naman ang nagmahal, nabaliw at naghabol sa isang babae, Sebas. Lahat ng pinagdaanan namin dahil sa mga babaeng minahal namin, mas matindi pa ang pagdadaanan mo.”
“Try me, bro! I’m not like you.”
“Huwag kang magsalita ng tapos, Sebas!” anang Uran.
“SUGAR!” sigaw ni Sirak mula sa kusina ng apartment iya. “Sugar bilisan mo na diyan. Male-late na ako.” Aniya.
“Ito na!” anang babae na nagmamadali namang pumasok sa kusina. Katatapos lang nitong maligo dahil nakapusod pa ng tuwalya ang buhok nito.
Biglang nangunot ang noo ni Sirak nang makita niya ang hitsura ng kaniyang kaibigan. Kanina pa siyang naghihintay dito, pero hanggang ngayon pala hindi pa rin ito tapos. “God! Hindi ka pa rin pala tapos?” tila naiinis na tanong niya sa kaibigan.
“Saan ka ba kasi pupunta?” sa halip ay balik na tanong nito.
“Magkikita kami ni Paulo ngayon. Pupuntahan ko kasi ang studio na sinasabi niya,” sagot ng dalaga habang abala siyang maghanda ng pagkain sa lamesa. “Mag-ayos ka na nga dalian mo.”
“E, bakit pati ako kasama?” tanong nitong muli nang makaupo na sa hapag.
“Ikaw nga ang mag d-drive para sa ’kin.”
“At talagang ginawa mo na rin akong driver mo ngayon.” Kunwari ay pagrereklamo nito.
“Siyempre, ano pa ba ang silbi ng pagiging kaibigan mo sa ’kin?” pabiro pang tanong ni Sirak.
“Ang ganda mo lang na babae ano? Pero bastos ang bibig mo.” Napasimangot pa ito bago kumuha ng hotdog at nilantakan ’yon.
Ngumiti lamang si Sirak pagkuwa’y pumuwesto na rin sa kabisera. “Thank you!” aniya. “Paano kasi, nasiraan ang kotse ko kanina habang pauwi ako rito. E, hindi naman puwedeng hindi ko puntahan ngayon ang studio na ’yon dahil ito lang ang free time ko. I mean, pinilit ko lang na huwag puntahan ang ibang kailangan kong puntahan this morning para dito.” Saad pa niya at nagsimula na ring kumain.
“Pasalamat ka at mabait ako ngayon.” Anang Sugar.
Kunot ang noo na napatingin naman si Sirak sa babae. “Dahil ba sa lalaki mo rin?”
Ngumiting bigla ang babae.
Napapairap na lamang si Sirak. “Pareho lang kayo ni Paulo. Puro na lang lalaki ang inaatupag n’yo.”
“Kaysa naman ikaw, puro na lang trabaho ang inaatupag mo. Kaya ano ang nangyayari? Ni jowa wala ka. Kailangan pang sila tito at tita ang magpilit sa ’yo na mag-asawa ka na para hindi ka mapag-iwanan ng panahon.” Natatawang saad nito.
“Bakit ba lahat kayo ang pag-aasawa ko ang concern or pino-problema ninyo?”
“We’re just concern about you,” anito. “At isa pa, iniisip kasi namin ni Paulo... baka tomboy ka kaya ayaw mong mag-asawa.” Natawa pa ito ng pagak.
Biglang nag-isang linya ang kilay ni Sirak dahil sa narinig niyang sinabi ng kaniyang kaibigan. “What?” tanong niya. Walang-hiya talaga! Mga kaibigan ko ba talaga ang mga ito? Hurumintadong tanong ng kaniyang isipan.
“E masisisi mo ba kaming mag-isip ng ganoon?” balik na tanong ni Sugar. “Sa ganda mong ’yan wala pa kaming nakita na lalaking umaligid sa ’yo. Or maybe sa isang tingin mo pa lang sa mga lalaking gustong lumapit sa ’yo e, may kasama na agad na pagbabanta kaya hindi na sila tumutuloy sa balak nilang pagpapalipad hangin sa ’yo!” umiling pa ito at muling nilantakan ang hotdog na nakatusok sa tinedor na hawak nito.
“Huwag n’yo na akong pakialaman,” anang Sirak. “Mag b-boyfriend ako o mag-aasawa ako kung kailan ko gusto. That’s period! Kahit sila mama wala ring magagawa sa desisyon ko.” Dagdag pa niya.
“Kailan ka pa mag-aasawa? Kapag pumuti na ang uwak?” tanong muli nito. “Hay nako! Ewan ko ba talaga sa ’yo Maria Sirak Torrefiel. Hindi namin maintindihan ang takbo ng pag-iisip mo. Tingnan mo nga’t sa ating magkaka-klase nang college ikaw na lang ang wala pang asawa. Wala pang anak. Wala pang pamilya. Hindi ka ba nahihiya?”
Biglang lumipad sa ere ang isang kilay niya.
“At bakit naman ako mahihiya aber? Anong nakakahiya roon?” paismid na tanong niya.
“Nakakahiya lang kasi na lalagpas ka na sa kalendaryo pero hanggang ngayon birhen ka pa rin!”
“Ah! So, nakakahiya na pala sa panahon ngayon ang pagiging virgin ng isang babae?” mapanuyang tanong niya sa kaibigan. Binitawan pa niya ang hawak na kubyertos upang harapin ng mabuti ang babae. “Hindi ako na-inform na mas nakaka-proud na pala ngayon ang hindi pagiging-virgin.” Dagdag pa niya. “Kahit malapit na akong mawala sa kalendaryo, hindi ako mahihiyang ipagsigawan sa buong Pilipinas na virgin pa rin ako sa edad kong ito, Sugar.”
Natahimik naman si Sugar. “Hindi naman ’yon ang ibig kung sabihin—”
“Iyon ang gusto mong iparating sa ’kin sa mga sinabi mo ngayon, Sugar.” Aniya.
“E... sorry na!” saad nito at nag-iwas ng tingin sa dalaga. “Pero hindi talaga ganoon ang ibig kong sabihin sa ’yo. Magkaiba lang tayo ng utak kaya ganoon ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko.” Giit pa nito.
Muling dinampot ni Sirak ang kaniyang kubyertos at itinuloy ang pagkain. “Kumain ka na nga lang at ng makaalis na tayo.” Aniya.
“ANG TAGAL n’yo mga bakla!” reklamo ni Paulo nang makababa na sa kotse sina Sirak at Sugar.
“Sisihin mo itong magaling mong kaibigan.” aniya at itinuro pa si Sugar na nasa tabi niya. “Nakipag-debate pa kasi sa ’kin.”
Ngumiti lamang si Sugar nang makita niya ang pag-irap sa kaniya ni Paulo.
“Halina nga kayo at naghihintay na sa atin ang kaibigan ko,” anito at nagpatiuna ng pumasok sa building. Sumilip si Paulo sa pinto nang studio. “Tin!” tawag nito sa babaeng naroon sa loob niyon.
Kaagad namang lumabas ang babae at lumapit sa kaniya.
“Pasensya na kung naghintay ka pa huh!” hinging paumanhin agad nito rito.
“No problem, Pau!” nakangiting saad ng babae. “So...” anito at tinapunan ng tingin ang dalawang dalaga.
“Oh! By the way these are my friend. Sirak and Sugar,” pagpapakilala ni Paulo sa mga babae. “Siya si Sirak, ’yong friend kong sinasabi ko sa ’yo na gustong tumingin nitong studio mo.”
“Hi! Sirak Torrefiel.” Inilahad niya ang palad sa babae upang pormal na magpakilala rito.
Mabilis naman iyong tinanggap ng babae. “I’m Justin,” anito. “I’m so happy na sinabi sa ’kin ni Pau na gusto mo nga raw tingnan itong space ko. Come in at ng makita mo ang buong place.” Anito at naglakad ulit papasok.
Sumunod naman dito ang tatlo.
“Is this yours?” tanong ni Sirak.
“Yeah! Actually, mahilig din akong mag paint kaya pinagawa ko itong studio na ito dati.”
“Wow! Pareho pala tayo ng interest,” aniya. “So, bakit mo ibebenta itong studio mo?”
“Well, paalis kasi ako papuntang Hawaii. Doon na kami titira ng asawa ko. E, wala nga sana akong balak na ibenta ’to. Paparentahan ko lang sana. But my husband insisted na ibenta ko na nga lang daw para wala na akong isipin dito kapag nandoon na kami.”
“May point ang jowa mo.” Singit na saad ni Sugar habang inililibot pa rin nito ang paningin sa buong unit na iyon.
“Kaya nang sabihin nga sa ‘’kin ni Pau na naghahanap ka ng studio, hindi na ako nagdalawang-isip na um-oo sa kaniya at makipag-met sa ’yo.”
“Sorry at ngayon lang ako nagkaroon ng oras para pumunta rito. Busy din kasi ako e!”
“No it’s okay! I understand naman.” Ngumiti pa ito. “So, what do you think about the place?” tanong nito pagkuwa’y pinasadahan ng tingin ang buong kuwarto.
Inilibot din ni Sirak ang paningin sa buong paligid. From ceiling, wall to floor... lahat ay kulay puti. Malinis tingnan. Malapad din ang space. Mukhang tamang-tama siguro iyon para sa ideas na binuo niya para sa gagawin niyang style ng studio niya. At mukhang hindi pa masiyadong nagamit ang studio na iyon. “I like the place,” aniya. “But...” tinapunan niya ng tingin ang babae. “...magkano mo naman ibebenta ito?” tanong niya.
Kaagad namang tumalima ang babae. May kinuha ito sa bag na nakasabit sa balikat nito. Iniabot nito kay Sirak ang brown envelope. “Here’s the contract. You can read this. Naka-attached na rin diyan ang price.” Anito.
Tinanggap naman iyon agad ni Sirak at binuksan. Binasa niya ang nakasulat doon. Mayamaya ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabasa niya ang presyong nakalagay doon. What? One point five million? Tanong ng kaniyang isipan. Diyos na mahabagin! Saan naman siya kukuha ng ganoon kalaking pera? E, kakaunti pa lang naman ang kinikita niya sa mga sideline at extra jobs niya. Wala sa sarili at mabilis niyang naisarado ang folder.
“Um, m-medyo mahal pala.” Tipid pa siyang ngumiti. Well kung sabagay hindi na siya lugi sa lawak ng lugar. At sa panahon ngayon, bihira na lamang siyang makakahanap ng ganoon kamura na property. Baka kung sa iba pa ’yon... malamang na double price na iyon.
“Yeah! Commercial kasi ang space kaya medyo mahal. Tapos pina-renovate ko pa ’to last month para mas magandang tingnan.”
“E, Tin... baka naman puwedeng makahingi kami ng discount?” anang Paulo sa babae. Iniyakap pa ang mga braso nito sa isang braso ng babae. “You know naman, itong friend namin is ayaw humingi ng help sa modrabels niya kasi masiyado itong nagmamagaling. Ang lakas ng loob na humanap ng studio pero kulang naman pala ang money.”
Nangunot ang noo ni Sirak dahil sa mga sinabi ni Paulo. Mayamaya ay pinanlakihan niya ito ng mga mata.
“Ay true ’yan! Agree ako bakla.” Mabilis na pagsang-ayon din ni Sugar.
Mga totoong kaibigan niya talaga ang dalawang ito. Lagi siyang pinagkakaisahan.
“Sure! Puwede naman.” Anang babae. “We can talk about the price.”
“Thank you, Tin!”
“No problem. Magkaibigan naman tayo e!” saad pa nito.
Lihim na napangiti na lamang si Sirak. Kahit papaano ay nagpapasalamat na rin siya sa dalawa niyang kaibigan na makulit.
“THANK YOU AGAIN!” nakipag-kamay ulit si Sirak sa babae pagkatapos nilang magkasundo sa presyo ng studio na iyon.
“Thank you rin! Hope na maging maganda ang career mo rito. And I wish you the best luck.”
“Thank you!”
“Ibibigay ko na lang ngayon ang susi nito para makapag-start ka ng mag-ayos dito ng mga gamit mo. Kita na lang tayo next week para sa contract and payments.”
“Sure! Just send me the date and time.”
“Thank you, bes!” anang Paulo sa babae.
“Thank you rin Pau! Kung hindi dahil sa ’yo hindi pa ako makakanahap ng buyer nitong studio.” Anito. “Don’t worry, I’ll give you tip—”
“Nako! Kahit hindi na. Okay na ’yong binigyan mo ng discount itong amiga namin.” Mabilis na saad nito dahilan upang maputol sa pagsasalita ang babae.
“Baka pala may friend na foreigner ang jowa mo sa Hawaii, ireto mo na rin itong friend namin at ng magka-asawa na!” mabilis na muling singit ni Sugar.
“Hey! Shut up!” anang Sirak.
“Ay oo nga, Tin! Sabihin mo sa husband mo huh! Para naman hindi na kawawa itong friend namin.”
Napapailing na lamang si Sirak dahil sa mga ito.
“Sa ganda mong ’yan wala ka pang boyfriend, Sirak?” tanong na rin ni Justin.
“Wala!” sabay na sagot nina Paulo at Sugar.
“Nako! Don’t worry, I think dito ka na magkaka-boyfriend,” saad nito. “Mayroong guwapo diyan sa kabilang building. Crush ko ’yon dati. Kung hindi pa ako nakapag-asawa siguro hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa kaniya.” Nakangiting turan nito.
Pilit naman siyang ngumiti sa babae. “Wala sa isip ko ngayon ang mag boyfriend. I came here para mag tayo ng business ko hindi para makipaglandian sa kung kani-kanino.” aniya at tinapunan ng tingin ang dalawang kaibigan. Sinasabi ng kaniyang mga mata na hindi siya katulad sa mga ito na puro lalake ang pinagkakaabalahan.
“Mas maganda pa rin kapag may asawa ka’t mga anak, Sirak. Iba sa pakiramdam kapag nasa ganoong stage ka ng life mo.” Saad pa ni Justin.
“Exactly.” Mabilis na pagsang-ayon ni Paulo.
“Maka-exactly ka riyan akala mo naman may experience ka na sa pagpapamilya,” inismiran niya ito ’tsaka naglakad palapit sa pintuan. “Wait lang at mag c-cr ako.” Paalam na lamang niya sa mga ito para matapos agad ang usapang iyon.