KINABUKASAN, maaga pa lamang ay gising na siya. Pagkababa niya galing sa Penthouse ay naroon na rin sa lobby ang mga empleyado ni Uran. “Good morning po ma’am Sirak!” bati sa kaniya ng mga ito. Hay! Para naman talagang totoong nobya siya ni Uran kung igalang siya ng mga ito. Pero natutuwa rin naman siya. “Good morning din sa inyo!” nakangiting bati niya rin sa mga ito. “Eunice,” tawag niya sa dalaga. Lumapit siya rito. “Good morning po ma’am Sirak! Bakit po ma’am?” “Ano ang mayroon? Bakit nandito kayong lahat?” “Ah, may activities po kaming gagawin ngayon ma’am.” “Activities?” kunot ang noo na tanong niya. “Opo! Everytime po na nagpupunta kami rito kasama si sir Uran, hindi po kumpleto ang bakasyon namin kung wala pong activities na gagawin, like po sa mounting climbing, team bu