CHAPTER 9

2512 Words

NAGING busy si Sirak sa sumunod na mga araw dahil sa pagpipinta niya. Isang buong linggo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng kaniyang Apartment upang tapusin ang kaniyang trabaho. Hindi na muna siya tumatanggap ng kahit sinong bisita para maisturbo ang kaniyang ginagawa. Nagpupunta lamang doon si Paulo para ihatid ang mga gamit na pinapakisuyo niya rito. At sa araw na iyon, wala sana siyang balak na lumabas sa kaniyang Apartment kung hindi lamang tumawag sa kaniya si Justin, ang babaeng may-ari ng Studio na nabili niya noong nakaraan. Gustong makipagkita sa kaniya ng babae kagaya sa usapan nila noong nakaraan. “Pasensya ka na Pau huh!” aniya nang makasakay siya sa kotse ng kaniyang kaibigan. Tinawagan niya rin kasi ito kanina na kung puwede ay samahan siya nito para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD