“KAILAN ka uuwi rito anak?” tanong ni Magdalena sa binata nitong anak habang kausap ito sa telepono. “Maybe end of the month next month mom. Why? May problema po ba?” mababakas sa boses nito ang pag-aalala para sa ina. Malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Magdalena sa ere ’tsaka ito naglakad palapit sa kama at umupo sa gilid niyon. “Is there a problem mom?” tanong ulit ni Jefrex sa ina nito. “Nothing anak—” “Mom.” Putol nito sa pagsasalita ng ina. Alam ng binata na may iniisip na problema ngayon ang ina. And besides, nakausap na nito ang kapatid na si Sirak. Tumawag ang dalaga sa kaniya sa nagdaang gabi. “Sirak called me last night. And she told me na ipinakilala na niya sa inyo ang boyfriend niya.” Saad pa nito. Muling napabuntong-hininga ang Magdalena. Saglit iton