NAGMAMADALING lumapit sa pinto ng Apartment niya si Sirak nang marinig niya ang katok mula sa labas. Kanina pa siyang naroon sa sala at tila hindi mapakali. Naghihintay siya sa pagdating ni Uran. Ang sabi kasi ng binata ay susunduin siya nito para sa labas nalang sila kumain. Alright, tama nga ang iniisip niya kanina... it’s a date. Siguro ay idinaan na lamang ni Uran sa sitwasyong kunwari ay gusto siya nitong makausap. Pero ang totoo ay gusto siya nitong ayain ng date. Oo na, iyon talaga ang iniisip niya simula pa man kanina. Nakakatawa mang isipin na para siyang ewan at iyon ang iniisip niyang dahilan kung bakit siya nito gustong makausap, pero hinayaan na lamang niya ang kaniyang sarili na paniwalaing iyon talaga ang dahilan ng binata. Gusto niya si Uran kaya siguro nao-overwhelm ang ka