NAGMAMADALING lumapit si Sirak sa may pintuan nang marinig niya ang katok mula sa labas ng pinto ng kaniyang Apartment. Pagkabukas niya niyon ay kaagad na bumungad sa kaniya ang sekretarya ni Uran. “Good afternoon po ma’am Sirak!” nakangiting bati ni Makoy sa dalaga. “Makoy, what are you doing here?” nagtatakang tanong niya pagkuwa’y iginala ang paningin sa labas. Nagbabakasakaling naroon din ang binata ngayon. Kanina kasi ay nagkausap sila sa cellphone. Ang sabi ng binata ay magkikita raw sila sa araw na iyon para pag-usapan ulit ang tungkol sa deal nila. Pero hindi naman nagsabi si Uran kung ano’ng oras sila magkikita. Basta ang sinabi lamang sa kaniya ng binata na tatawagan na lamang siya nito pagkatapos ng meeting nito. Pero hindi niya naman inaasahan na dadating doon ang sekretarya