“HEY! ARE YOU ALONE?” Napalingon si Uran sa babaeng lumapit sa kaniya habang nakaupo siya sa high chair na naroon sa bar counter. Hawak ang rock glass ay kunot ang noo na tinitigan niya ang babae. She’s beautiful, yeah. Pero hindi niya ito type. Sa kapal pa lamang ng make up at pulang-pula na lip stick nito... iyon ang pinakayaw niya sa isang babae. Mas gusto niya ang simpleng babae lang. Hindi maarte sa katawan. Hindi nagmumukhang clown dahil sa make na suot nito. “I’m not interested.” Aniya at muling itinuon ang paningin sa bote ng mga alak na nakadisplay sa back bar. Napasimangot naman ang babae kasabay nang pagpapakawala nito nang malalim na buntong-hininga. “Hmp! Ang sungit.” Anito at kaagad na tumalikod para umalis. Muli niyang dinala sa tapat ng kaniyang bibig ang rock glass