“MATAGAL ka na bang nagpipinta?” tanong ni Uran sa dalaga at saglit itong sinulyapan. Nag-angat naman si Sirak ng mukha upang tingnan din ang binata na nasa harapan niya. Nasa isang Restaurant na sila na malapit lang sa Apartment niya. Nakatingin din sa kaniya ang binata. Bahagya siyang ngumiti rito. “Um, well... I started learning to paint when I was just six years old.” Saad niya. “Wow! Really?” tanong nito. Makikita sa mukha at mga mata nito ang pagkamangha dahil sa sinabi ni Sirak. “Siguro nasa lahi ninyo ang pagpipinta ano?” “Actually, sa family namin... ang lola ko lang at ako ang marunong magpinta. Sa kaniya ko namana ang talent ko sa painting.” Nakangiting pagkukuwento niya sa binata. “Maliit pa lang ako, sabi ni mama lagi na raw akong pinapahawak ni lola ng mga paintbrush n