“WHAT IS THAT BABE?” kunot ang noo na tanong ni Uran nang lumabas ito sa banyo at nakita si Sirak na inaayos ang tatlong malalaking unan sa kama. Naglakad ito palapit sa gilid ng higaan habang abala pa ring pinupunasan ang basang buhok gamit ang isang towel. “Boundary.” Tipid na sagot niya na hindi manlang nilingon ang binata. Mas lalong nangunot ang noo ni Uran at napatitig sa nobya. “What? Why?” Banayad siyang nagbuntong-hininga at nilingon na ang nobyo. Nakapamaywang pa ito habang nakatitig sa kaniya ng seryoso. Halos mag-isang linya na rin ang mga kilay nito. “Ano’ng what, why?” balik na tanong niya rito. “Of course, I need to put these sa gitna natin para may harang.” “Are you kidding me babe?” “Mukha ba akong nagbibiro, Sinta?” tanong niya rin dito. Tinitigan saglit ni Uran a