PAGKATAPOS niyang magpakawala nang malalim na buntong-hininga ay dahan-dahan siyang humakbang palapit sa pinto. Saglit pa siyang pumikit bago hinawakan ang doorknob. “B-baka nandiyan pa rin siya sa labas?” tanong niya sa kaniyang sarili. Muli niyang binitawan ang doorknob at umatras. Ang puso niya ay kumakabog pa rin at hindi niya malaman kung paano iyon pahuhupain. Ewan ba niya sa kaniyang sarili kung bakit pagkatapos nang nangyari sa kanila ni Uran kagabi sa park ay awtomatik nang kumakabog iyon kahit maisip niya lamang ang binata. “Ah Sirak ah! Sa tingin mo tatayo siya sa labas ng Apartment mo ng lima hanggang sampong minuto para lang hintayin ka? Ano ka importanteng tao?” mapanuyang tanong niya sa kaniyang sarili. Alright! Mukha na siyang nababaliw roon at kinakausap na niya ang kani