TIIM ANG BAGANG na naglakad si Uran palapit sa lamesa ng dalawa. “Babe!” tawag niya kay Sirak at kaagad na hinawakan sa kamay ang dalaga. Pero ganoon na lamang ang pangungunot ng kaniyang noo nang pagkatingin ng babae sa kaniya ay hindi naman pala ito si Sirak. “Yes po?” tanong ng babae habang nakatingala ito sa kaniya. Tila napapahiya naman siyang binitawan ang kamay ng babae. She’s not Sirak! Ang akala niya ay si Sirak ang kasama ni Dustin ngayon dahil iyon ang sinabi ni Makoy sa kaniya na nakita raw nito ang dalawa na magkasama papunta roon sa restaurant. Mali pala siya. Magkapereho lang pala ng damit ang dalawa, at pareho rin sila ng body size kaya napagkamalan niyang si Sirak ang babaeng ito. “Bro!” saad ni Dustin. Kunot ang noo at seryoso pa rin ang kaniyang hitsura nang tapuna