MALALIM na butong-hininga ang pinakawalan ni Sirak sa ere habang nasa Gazebo siya. Nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Muli niyang dinala sa tapat ng kaniyang bibig ang tasa ng kaniyang kape at sumimsim doon. It’s already late. Tahimik na ang buong mansion ng mga Ildefonso. Nakapatay na rin ang ibang ilaw sa kabahayan. Hindi pa kasi siya makatulog kaya bumangon siya at lumabas sa kuwarto ni Uran. Kukuha lang sana siya ng kape sa kusina dahil iyon ang pampatulog niya, pero pagkatapos dinala naman siya ng kaniyang mga paa sa labas ng bahay hanggang sa marating niya ang Gazebo na iyon. Iniwanan niya na muna ang binata tutal naman at mahimbing na ang tulog nito. Hindi naman siya namamahay ngayon, sadyang marami lamang ang pumapasok sa isipan niya kaya hindi pa siya makatulog. Iniisip n