“GOOD MORNING!” “Hi, good morning din!” nakangiting bati niya kay Denise nang pagkapasok niya sa kusina ay naroon ang dalaga at nag-aalmusal na. “Come, join me. Nasa labas pa si Uran e.” Anito. Naglakad naman siya palapit sa lamesa. Sa upuang nasa tabi ng kabisera siya pumuwesto habang kaharap naman niya si Denise. “You want coffee?” “Ako na lang—” “No. Just sit there. Ipagtitimpla kita ng kape mo.” Kaagad itong tumayo sa puwesto nito. “Thank you!” iyon na lamang ang nasambit niya nang maglakad na ang dalaga palapit sa kinaroroonan ng coffee maker at nagsalin ito ng kape sa tasa. Pinagmamasdan niya lamang ito. It’s already seven in the morning. Napasarap ng kaunti ang tulog niya kaya medyo na late siya ng gising ngayon. Well, sino ba naman kasi ang hindi mapapasarap ang tulog ku