NAGPAKAWALA siya nang malalim na buntong-hininga habang nakatayo siya sa harap ng full size mirror. Pinagmamasdan niya ang kaniyang sarili kanina pa. Hindi siya makapagdesisyon kung lalabas ba siya ng Penthouse na ganoon ang kaniyang suot o magkukulong na lamang doon at hindi na maliligo ng dagat. She’s wearing red two piece bikini swimsuit na talaga namang bumagay sa kulay niya. Ipinahiram iyon sa kaniya ni Eunice kanina nang samahan siya ng dalaga na magpunta sa silid niya para magpalit ng pampaligo niya. Suot niya kanina ang swim trunk ng pambabae at sando bra. Pero ang sabi ni Eunice kanina magpalit daw siya. Ano naman ang problema sa pampaligo niya? Ang isinagot lamang sa kaniya ni Eunice... hindi na raw siya bata para iyon ang isuot niya. Kaya sa huli ay napilit din siya ng dalaga na