“MAMA!” kunot ang noo na saad ni Sirak nang pagkabukas niya sa pinto ng kaniyang Apartment ay ang kaniyang ina ang kaniyang napagbuksan. “Anak, hija!” malapad ang ngiti sa mga labi ni Magdalena nang bigla nitong yakapin ang anak at halikan sa magkabilang pisngi. “How are you baby?” tanong pa nito. “I‘m... fine.” Aniya habang hindi pa rin naghihiwalay ang kaniyang mga kilay. “What are you doing here po?” kahit parang alam na niya kung ano ang dahilan nang pagpunta nito ngayon sa Apartment niya. Hindi naman agad sumagot ang Ginang. Naglakad ito papasok sa loob habang nakayakap sa braso ng anak. “Well, nakatanggap kasi ako ng good news last night kay Paulo. Dapat nga kagabi pa ako pumunta rito, kaso hindi ako pinayagan ng papa mo.” Wala sa sariling napabuntong-hininga siya nang pagkalal