ILANG segundo na simula nang pakawalan ni Uran ang kaniyang mga labi, pero nanatili pa rin siyang nakapikit. Sa lakas nang kabog ng kaniyang puso sigurado na siyang totoo nga ang nangyayari ngayon. Hindi panaginip ang nangyayari ngayon sa kanila ng binata. Pero sa kabila niyon, may kaunting pag-aalala pa rin sa puso niya na baka pagkamulat niya sa kaniyang mga mata ay wala pala roon ang lalaking mahal niya. “Babe!” Naramdaman niya ang mainit nitong hininga na tumama sa kaniyang mukha. Mayamaya ay naramdaman din niya ang mainit nitong palad na humaplos sa kaniyang pisngi. Alright! Totoo ngang naroon si Uran. Dahan-dahan siyang nagmulat ng kaniyang mga mata. Unang bumungad sa kaniya ay ang nakangiti at guwapong mukha nito. “U-uran!” mahinang sambit niya. Mas lalong lumapad ang ngiti sa