“NASAAN na kaya siya?” tanong niya sa kaniyang sarili habang nasa balkunahe siya ng silid ni Uran. Nakatanaw siya sa garahe maging sa labas ng gate. Kanina pa niya inaabangan ang pagdating ng binata. Ilang oras na kasi simula nang umalis ito kanina kasama raw si Makoy sabi ni Denise. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Nakapunta na sila ni Denise kanina sa mall para mamili ng regalo para sa nanay nito, nakauwi na lamang ulit sila at ngayon nga ay tatlong oras na rin siyang pabalik-balik sa balkunaheng iyon para tingnan kung paparating na ba ito. Pero wala naman siyang matanaw na sasakyan na paparating. Bumuhos na lamang din ang malakas na ulan. Mas lalo tuloy siyang nag-aalala para sa kaniyang nobyo. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga pagkatapos ay iniangat a