KINAKABAHAN na lihim na napatingin si Sirak sa binata habang nakaupo na sila sa isang lamesa, nasa loob na sila ng isang fine dining Restaurant. Katabi niya ang Ginang samantalang nasa tapat naman niya ang binata. Muli siyang humugot nang malalim na paghinga pagkuwa’y banayad iyong pinakawalan. Pagkatapos ay kinuha niya ang baso ng tubig at uminom doon. “I’m sure na matutuwa ang papa mo kapag malaman niya na nakita ko na at nakilala ko na ang girlfriend mo anak.” Malapad pa rin ang ngiti sa mga labi ng señora. Magmula siguro kanina sa opisina ng binata, hindi na nagbago ang masayang ekspresyon nito. Tila nakaguhit na sa mga labi nito ang matamis at malapad na mga ngiti. Mayamaya ay muli nitong binalingan ng tingin ang dalaga. Walang paalam na hinawakan nito ang kamay ni Sirak na nakapa