NAGMAMADALING pumasok sa apartment niya si Sirak pagkatapos ay kaagad na ini-lock ang pinto. Nagtataas-baba pa ang kaniyang dibdib dahil sa hingal kakatakbo kanina marating lang kaagad ang kaniyang unit. Habol ang paghinga ay naglakad siya palapit sa kaniyang sala, hinubad niya ang kaniyang bag at inilapag iyon sa sofa pagkatapos ay dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tubig sa refrigerator. Nagsalin siya sa baso. “Ah, Sirak! Muntikan ka na kanina ah!” saad niya sa sarili pagkatapos ay tinungga ang laman ng baso niya. Muling sumagi sa isipan niya ang nangyari kanina nang magkita ulit sila ni Uran sa labas. Ang paghabol nito sa kaniya. Mabuti na lamang at nawala ito, hindi na siya nasundan. Dahil kung hindi, baka maghabulan na lamang silang dalawa hanggang sa maubusan siya ng gasolina. S