KINABUKASAN ay biglang naalimpungatan si Sirak dahil sa malakas na tunog ng alarm sa kaniyang cellphone. Kahit inaantok pa man, kumilos siya sa kaniyang puwesto upang abutin ang aparato na nakapatong sa kaniyang bedside table. Naiinis na pinatay niya iyon. It’s already ten in the morning. Nang makita niya ang oras ay wala sa sariling nanlaki ang kaniyang mga mata. “What?” inaantok na reklamo niya sa sarili. Alas dyes na pala ng umaga? Ang tagal niya namang nagising ngayon! Samantalang sanay siyang gumising ng madaling araw pa lamang para ituloy ang kaniyang trabaho. Kung sabagay, halos magbukangliwayway na kanina nang dalawin siya ng kaniyang antok. Paano naman kasi, dahil sa nangyari kagabi habang nasa park sila ni Uran, hanggang sa makauwi siya sa Apartment niya ay hindi na nawala sa