“I WAS LOOKING FOR YOU!” maarteng saad ng babae. Namaywang pa ito nang tumabi sa binata. Nangunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa babae. Sinuri niya ang bauuan nito. Ngayong nasa malapit na ito sa kanila, mas lalo niyang nakita kung gaano kakinis ang balat nito. Mamula-mula ang balat lalo na ang pisngi nito. Parang bigla siyang nainggit sa babae. Lalo na nang mapatingin siya sa dibdib nito. God! Hindi ata nangalahati ang dibdib niya sa laki ng dibdib nito. Ang liit-liit pa ng baywang at puson nito, malaki ang pang-upo. Ang maputi at makinis nitong balat ay halatang masiyadong naalagaan, hindi katulad niya. Pero kunsabagay, hindi man siya ganoon kaputi, pero wala naman siyang piklat kahit isa. Dahil simula nang maliit pa siya ay tudo alaga rin naman sa kaniya ang mama niya. “Leceil,