“SO, HAPPY ka na dahil sa studio mo?” tanong ni Paulo kay Sirak nang nasa biyahe na sila pauwi sa Apartment ng dalaga.
Ngumiti naman siya sa kaibigan ng malapad nang tingnan niya ito sa rare view mirror. “Thank you ulit, Pau!” aniya. “And of course sa ’yo rin Sugar. Kasi ipinag-drive mo ako kanina.” Dagdag pa niya sa dalaga.
“No problem amiga. Anytime naman available ako basta ikaw.” Anang Sugar.
Napangiti siyang muli dahil sa sinabi ni Sugar sa kaniya.
“At sabi naman namin sa ’yo... kami ang bahala sa ’yo hindi ba?” dagdag pang saad nito habang nagmamaneho at nakatuon sa unahan ng kalsada ang paningin nito.
“Anong sabi naman namin?” kunyari ay tumaas ang kilay ni Paulo. “FYI amiga, ako lang naman ang naghanap ng studio para sa bestfriend natin. Wala kang ambag kasi busy ka sa lalaki mo.” Umirap pa ito.
Umismid din naman si Sugra. “Maka-busy sa lalaki ko e, ganoon ka rin naman ah!”
Nakangiting napapailing na lamang si Sirak dahil sa pagtatalo na naman ng dalawa niyang kaibigan. Pero kahit ganoon, masaya pa rin siya ngayon dahil sa studio na nakuha niya. Nagpapasalamat din siya kay Paulo, nang dahil dito ay naka-discount pa siya sa presyo. Ngayon, ang gagawin niya na lamang ay maglipat ng ibang mga gamit niya. Tapos, pagkatapos ng Painting Exhibit niya ay ’tsaka siya mamimili ng iba pa niyang mga gamit para sa studio niya. And she’s excited to tell the good news to her parents. Malamang na tantanan na siya ng mga ito na mag-asawa tutal naman at nagawa niya ang deal nila ng kaniyang Papa. Oras na makahanap siya ng studio at mabili niya iyon ng sakto sa budget niya, hahayaan na muna siya nito sa gusto niyang mangyari. Iyon ang sinabi ng kaniyang papa kagabi nang magkausap sila ng masinsinan.
“But seriously bess, we’re happy for you.” Anang Sugar nang tumingin pa ito sa rare view mirror upang tinginan si Sirak na nasa backseat.
“Thank you, bes!”
“Of course, anytime naman.”
“Yeah! What friends are for kung hindi tayo magtutulungan ’di ba?”
“Korek ka diyan bakla.” Mabilis na pagsang-ayon ni Sugar sa sinabi ni Paulo.
Malapad ang ngiting ibinaling na ni Sirak ang kaniyang paningin sa labas ng bintana. Hanggang sa makarating na sila sa kaniyang Apartment. Aayain pa sana niya na pumasok ang dalawang kaibigan para makapag-meryinda muna, pero tumanggi na ang mga ito. May lakad pa raw. Kaya inihatid lang siya ng mga ito sa Apartment niya.
“Salamat! Ingat kayo!” aniya bago siya bumaba sa kotse.
“See you tomorrow!”
“Yeah, bye!” nagmamadali na rin siyang naglakad papasok sa gusali at tinungo ang elevator.
Nang marating niya ang kaniyang unit ay hindi na siya nagpahinga pa at kaagad na umupo sa harap ng canvas na iniwan niya kahapon. Itinuloy na niya ang kaniyang trabaho.
“MAKOY, IN MY OFFICE.”
Nagmamadali namang tumayo sa puwesto nito ang lalaki nang mula sa intercom na nasa gilid ng lamesa nito ay narinig nito ang boses ng boss nito.
Kumatok ito ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob at pumasok.
“Yes po sir?”
Magkasalubong ang mga kilay na nag-angat ng mukha si Uran nang pumasok na sa kaniyang opisina ang kaniyang secretary.
“What is this?” seryoso ang kaniyang mukha at boses. Ipinakita pa niya sa lalaki ang folder na hawak niya.
“Um, ’yong... ’yong business proposal po ninyo kay sir Judas, sir Uran—”
“I know. I read it,” pinutol niya ang pagsasalita ng kaniyang sekretarya. Inis na inilapag niya sa kaniyang lamesa ang folder at tinanggal ang suot na salamin. “What I mean is, why did Judas return my business proposal again? He has rejected it twice.”
“E, sir Uran...” napakamot pa sa batok nito ang lalaki at napangiwi. Hindi makatingin ng diretso sa boss nito. “...ang sabi po kasi ni sir Judas, gusto raw po niyang kayo mismo ang mag-abot niyan sa kaniya. Kayo po ang mag-usap tungkol sa business proposal ninyo. Hanggang hindi raw po kayo ang pumupunta sa office niya, he will continue to reject your business proposal.” Pagpapaliwanag pa ng lalaki.
Inis na naisandal ni Uran ang kaniyang likuran sa swivel chair at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. God! He was really disgusted with Judas. Bakit hindi nalang nito sabihin sa kaniya na ayaw nitong tanggapin ang business proposal niya hindi ’yong nagpapa-hard to get pa ito o nag-iinarte. Dalawang beses ng ni-reject ni Judas ang papel niya. At hindi niya alam kung ano ang gusto nitong mangyari sa kanila para siya pa ang papuntahin sa opisina nito.
“M-mag s-send po ba ulit ako ng email or new copy kay sir Judas, sir?” tanong ni Makoy sa binata.
Muling bumuntong-hininga nang malalim si Uran. “No. Ako na ang bahala riyan.” Aniya at tumayo sa puwesto niya. Isinilid niya sa kaniyang itim na bag ang folder. Dinampot niya rin ang kaniyang cellphone. “Cancel my meeting this afternoon.”
“Okay po sir!”
Kaagad siyang naglakad palabas ng kaniyang opisina. Hanggang sa makasakay siya sa elevator at makalabas ng building.
Tahimik lamang siyang nagmamaneho nang tumunog naman ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng dashboard. Kinuha niya iyon at tiningnan ang screen kung sino ang tumatawag sa kaniya.
Napabuntong-hininga siyang muli nang mabasa niya ang pangalan ng kaniyang mama. Wala sana siyang balak na sagutin iyon, pero sigurado siyang hindi siya nito tatantatan hanggang sa sagutin niya ang tawag nito. Ibinalik niya sa ibabaw ng dashboard ang kaniyang cellphone at sinagot ang tawag sa stereo ng kaniyang sasakyan.
“Yes mom?” bungad niya sa ina.
“Hi hijo!”
“What do you want mom?”
“Anak, baka naman puwede kang umuwi rito sa bahay mamaya para magdinner tutal naman at hindi ka umuwi rito kagabi. Kayo ng kapatid mo.”
Mabilis siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga nang marinig niya ang sinabi ng mama niya.
Ayaw pa talaga niyang umuwi sa kanila. Dahil panigurado siya, mas lalo lamang siyang kukulitin ng mga magulang niya tungkol sa pag-aasawa niya. Ewan ba niya sa mga magulang nila kung bakit apurado ang mga ito na magkaroon ng daughter-in-law at apo. Siguro ay mga naiingit na ang mga ito sa Tito Demetrio niya. Kasi si Octavio, si Esrael at si Judas... may mga asawa at anak na. Kaya may mga apo na ang Don Demetrio na nilalaro nito. E, silang magkakapatid ay wala pang balak na magsipag-asawa. Lalo na siya. Kung sana lang ay hindi napunta kay Judas si Marya, sigurado siyang may anak na rin sila ni Marya ngayon. Pero ano naman ang magagawa niya kung hindi siya ang nagustohan, minahal at pinili ni Marya? Alangan namang ipilit niya ang sarili niya kay Marya o hindi kaya ay makipag-away pa siya sa pinsan niyang si Judas para lang maangkin niya ang babaeng gusto niya. Hindi siya ganoon kasiraulong pinsan para mag traydor kay Judas, kahit pa sabihing hindi naman sila totoong magkadugo. Of course he can’t do that to Judas. Kaya nga umalis nalang siya dati papuntang Madrid para kahit papaano ay makalimot siya sa nararamdaman niya para kay Marya.
“Mom—”
“Gusto lang namin ng papa mo na makasama ka sa dinner.” Putol ng Ginang sa nais sabihin ng anak.
Kahit wala sa harapan niya ngayon ang kaniyang ina, alam na alam ni Uran at kabisado niya ang pananalita nito. Alam niyang sinabi lamang nito iyon para mapilitan siyang umuwi sa kanila. Pero ang totoo, iisa pa rin ang dahilan ng kaniyang mama kung bakit siya nito pinipilit na pauwiin. Sigurado siyang may ipapakita na naman itong mga picture ng anak ng mga amiga nito. Ipipilit na naman sa kaniya na i-meet niya para kilalanin.
“Mom, I still have a lot of work to finish—”
“Lagi nalang ganiyan ang dahilan mo kapag gusto kong umuwi ka rito sa bahay.”
Nahimigan niya ang lungkot at tampo sa boses ng kaniyang mama.
“Siya sige... hindi na kita kukulitin. Umuwi ka nalang dito kung kailan mo gusto.”
Pagkatapos no’n ay bigla na lamang naputol ang tawag ng kaniyang ina.
Wala sa sariling napabuntong-hininga siyang muli nang malalim. Napahagod pa siya sa batok niya. Na-guilty tuloy siyang bigla dahil sa pagtatampo ng mama niya.
“Damn it!” aniya at bahagyang nahampas ang manebila.
“SIR JUDAS, nandito na po si sir Uran!”
Kaagad na napa-angat ang mukha ni Judas nang pumasok ang secretary nito sa opisina nito habang kasunod si Uran. Bigla itong ngumiti nang malapad at tumayo sa puwesto nito.
“My cousin, long time no see.” Kaagad na niyakap ni Judas ang pinsan nang makalapit ito rito. “How are you?”
Kunot lamang ang noo ni Uran at kunwari ay bahagya niyang intinulak ang pinsan.
“Grabe ka naman sa ’kin... para namang hindi mo ako na-miss.” Tumawa pa ito ng pagak.
“You’re still the same, Judas.” Sa halip ay saad niya at naglakad palapit sa visitor’s chair at umupo roon.
“Mia, ipagtimpla mo nga kami ng kape. Thank you!” Utos ni Judas sa sekretarya nito.
“Okay po sir!”
Muling naglakad si Judas pabalik sa lamesa nito at umupo sa swivel chair. “I thought you still had no intention of showing up to me.” Nakangiti pa rin ito.
“If you didn’t rejected my business proposal, I really had no intention of coming here and talk to you, you asshole.”
Biglang napapalatak ng tawa si Judas dahil sa nakikitang nakakatawang hitsura ng binata. Napailing-iling pa ito.
“I just want to see you so I want you to come here yourself to talk to me about your proposal,” anito. “Ilang buwan na rin kasi simula nang huling beses na magkita tayo. Of course, gusto ko lang malaman kung kumusta na ang pinsan ko.” Saad pa ni Judas.
“O baka gusto mo lang makita kung masirable ba ako—”
“Ganoon kasama ang tingin mo sa akin?” tanong kaagad ni Judas para maputol sa pagsasalita ang binata. “Grabe ka naman sa akin bro! Para namang hindi tayo magpinsan.” Pabiro pang saad nito.
Bumuntong-hininga lamang nang malalim si Uran at ipinatong ang kaniyang siko sa gilid ng lamesa.
“Sir Judas, excuse me po. Nandito na po ang kape ninyo.” Nang muling pumasok ang babae habang may bitbit na dalawang tasa ng kape. Inilapag nito ang tasa sa ibabaw ng lamesa.
“Thank you, Mia.”
“Wala na po kayong ipag-uutos sir?”
“Wala na. Thank you!”
Kaagad namang tumalima ang babae para muling lumabas sa silid na iyon.
“So, how are you bro?” mayamaya ay tanong ulit ni Judas.
Wala sanang balak na inumin ni Uran ang kapeng iyon dahil katatapos niya lang din kanina, pero hindi na rin niya napigilan ang kaniyang sarili. Mukhang masarap kasi at mabango ang aroma. Dinampot niya ang tasa.
“I’m good.” Sagot niya pagkatapos humigop sa tasa ng kape.
“Nandito si Sebas kanina. At may sinabi siya sa ’kin tungkol sa ’yo.”
Bigla namang nagsalubong ang kaniyang kilay at napatitig sa kaniyang pinsan. “What?” tanong niya. Oh God! Knowing his brother... sigurado siyang kalokohan na naman ang sinabi nito kay Judas.
Ngumiti muna nang nakakaloko si Judas bago muling nagsalita. “He said, you already have a girlfriend. You met her in Madrid. Is that true?” tanong pa nito. “Kaya siguro busy ka na lagi at hindi ka na nagpapakita sa ’kin.”
Hindi na rin niya napigilan ang kaniyang sarili kundi ang matawa ng pagak. Sinasabi na nga ba niya e! Kalokohan lagi ang laman ng utak ng kaniyang kapatid.
“I don’t want to believe him, but...”
“You know Sebas, Judas! Pareho lang din kayo ng kapatid ko nang hindi ka pa nagtitino dahil kay Marya.”
Muling napapalatak ng tawa si Judas dahil sa sinabi ni Uran.
“But seriously, bro... I will be happy for you if you really have a girlfriend—”
“I thought I came here so we could talk about my business proposal. Not to talk about my love life.” Seryosong saad niya sa pinsan.
Napatango-tango naman si Judas habang nakangiti pa rin. “I’m just curious.”
“Tsimoso ka lang talaga.” Aniya at bumuntong-hininga ulit nang malalim.
MULA SA PAGKAKAUPO sa harap ng canvas niya, tumayo si Sirak at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig na kaniyang maiinom. Pagkakuha niya ng tumbler niya sa refrigerator ay muli siyang bumalik sa sala at tumayo sa tapat ng kaniyang ginagawa kanina. Pinakatitigan niya ang painting na ilang oras na niyang tinatrabaho. Ewan ba niya, pero parang pakiramdam niya may kulang sa kaniyang ginagawa ngayon. Ramdam niyang walang buhay ang bagong ipinipinta niya ngayon. Parang may hinahanap ang kaniyang mga mata na hindi niya makita sa painting na iyon. Parang malungkot at kulang.
Bumuntong-hininga siya nang malalim at dinala sa tapat ng bibig niya ang tumbler at uminom doon.
“Two weeks, Sirak. I know you can do it. Maybe...” aniya habang nilalaro-laro niya sa kaniyang palad ang tumbler at nakatitig pa rin sa canvas niya. “...you may just need to unwind for a while and find new inspiration para gumana ulit ng maayos ang imaginations mo.” Kausap niya sa kaniyang sarili.
Siguro nga kaya hindi gumagana ng maayos ang utak niya ngayon dahil stress na siya sa nalalapit na exhibit na dadaluhan niya. Kailangan niya nga sigurong mag-relax saglit bago ipagpatuloy ang ginagawa.
“You need to relax and unwind first.” Saad pa niya sa sarili.
Mayamaya ay naagaw ang kaniyang atensyon sa cellphone niyang nasa ibabaw ng center table. Tumunog iyon. Naglakad siya palapit doon upang tingnan kung sino ang nagpadala sa kaniya ng text message. Pagka-bukas niya sa inbox niya, nabasa niya ang isang message galing sa pinsan niyang si Cariba. Napangiti pa siya.
Hey couz, it’s my birthday tomorrow.
Iyon ang message sa kaniya. Mayamaya lang din ay tumunog ulit ang cellphone niya. Tumatawag ang pinsan niya. Kaagad naman niyang sinagot iyon.
“Hi!” aniya.
“Did you receive my message?”
“Yeah! Kakabasa ko lang ngayon actually,” saad niya.
“I want you to come here. Just like the other year nandito ka rin nang birthday ko.”
Napangiti naman siya. “I would love too, Cari, but—”
“Ako na ang sasagot sa ticket mo. Back and fort. Just come, okay!” putol ng babae sa kabilang linya.
“Um—”
“No more buts. I dont take no for an answer, you know that couz.”
Saglit siyang natigilan at napatingin muli sa painting niya. She really need to unwind para matapos niya ang ginagawa niya. And timing naman itong pagtawag ng pinsan niya ngayon.
“Okay!” iyon ang naging sagot niya.
Narinig naman niya ang pagtili ng pinsan niya mula sa kabilang linya. “Yes! I love you pretty. I’m excited to see you again.”
“Yeah me too.” Aniya.
“Okay wait, ako na ang magbo-book ng ticket for you.”
“Thank you!”
“No, thank you kasi hindi mo ako tinatanggihan.”
Kung alam mo lang, hulog ka ng langit ngayon, Cariba! Sa isip-isip niya.
Matapos ang pag-uusap nila ng kaniyang pinsan ay kaagad din silang nagpaalam sa isa’t isa. Hindi na rin niya itinuloy ang ginagawa niyang trabaho. Sa halip ay nag-impake siya ng mga gamit niya para sa madaling araw na flight niya bukas.
“SIR URAN,”
Napatingin naman siya sa kaniyang sekretarya nang pumasok ito sa loob ng kaniyang opisina.
“Yes?”
Naglakad naman si Makoy palapit sa lamesa ng binata habang may bitbit itong paper bag. “Um, sir... pinadala po ng mama ninyo.” Anito at inilapag sa lamesa ang dala.
Kunot naman ang noo ni Uran na napatitig doon. “What is this?”
Nagkibit lang ng balikat ang binata.
Kinuha ni Uran ang paper bag upang tingnan kung ano ang laman niyon, kung ano ang ipinadala sa kaniya ng kaniyang mama. Dalawang tupperware ang kaniyang nakita. Ang isa ay may lamang kanin at ang isa naman ay may lamang ulam na paborito niya—beef steak.
“Ngayon lang ba ito pinadala rito?” tanong niya.
“Yes po sir. Ang driver po ng papa ninyo ang pumunta rito.”
Napatango naman siya. “Okay! Thank you, Makoy!” aniya.
“Sige po sir.” Kaagad itong tumalikod upang lumabas na roon.
Bumuntong-hininga naman nang malalim si Uran pagkuwa’y tinanggal ang suot niyang salamin. Saglit niyang tinitigan ang pagkain na niluto ng mama niya para sa kaniya. Matagal-tagal na rin simula nang huling nakauwi siya sa bahay nila at nakakain ng luto ng kaniyang mama. Mas lalo tuloy siyang na-guilty ngayon dahil sa pagtatampo nito kanina sa kaniya.
Binuksan niya ang tupperware. Nang maamoy niya ang ulam, bigla siyang natakam at nakaramdam ng gutom. Hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at nag-umpisa na ring kumain.
Mayamaya ay tumunog ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya iyon, ang kaniyang mama ang nagpadala sa kaniya ng text message.
Eat well, anak!
Napangiti na lamang siya nang mabasa niya ang mensahe nito.
“WHERE ARE you going bakla?” nagtatakang tanong ni Paulo kay Sirak. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang ginagawa ng dalaga.
“Madrid,” tipid na sagot niya at ngumiti.
Nagsalubong naman ang kilay ni Paulo. “Madrid? Ano naman ang gagawin mo roon? Bakit biglaan ata ang alis mo? I thought, busy ka at marami kang gagawin?” sunod-sunod pang tanong nito.
“It’s Cariba’s birthday tomorrow. And, kanina I was thinking na mag unwind muna ako para makapag-relax ang utak ko. I need to freshen up. I need to find new inspiration para sa bagong painting ko.”
“Taray naman ng amiga ko! Mag a-unwind lang sa Madrid pa!” anang Paulo. “Puwede sumama?” mayamaya ay tanong din nito at ngumiti nang malapad.
“Gaga! Kung may pera lang ako why not. E kaso, sagot niya ang ticket ko. Kaya gustohin ko mang isama kayo ni Sugar... nakakahiya naman kay Cari.” Saad niya.
Malungkot naman na napaismid si Paulo. “Sayang naman,”
“Maybe next time... kapag mayaman na ako.” Pabirong saad niya.
“Well, good luck sa pag-unwind mo. Hope na makahanap ka ng inspiration mo roon para makagawa ka pa ng maraming paintings mo. Sayang naman kung hindi ikaw ang mananalo sa exhibit amiga.”
“Sayang nga talaga ang prize, Pau. Kaya nga one hundred percent ang ginagawa kong effort dito para ako ang manalo. Para hindi na rin ako kulitin nina mama at papa na mag-asawa.” Saad niya at umupo sa gilid ng kama niya matapos niyang isarado ang kaniyang maleta.
“Don’t worry amiga... I will support you.”
Ngumiti siya sa kaniyang kaibigan nang tapunan niya ito ng tingin. “Thank you, Pau. Hayaan mo, kapag ako ang nanalo sa exhibit na ito, mag a-unwind tayo sa Spain. Isasama ko kayo ni Sugar.”
“Oy! Sure ’yan amiga huh! Aasahan ko ’yan.” Tila bigla namang naging excited si Paulo dahil sa sinabi niya.
“Basta ako ang manalo,” aniya at muling tumayo sa kaniyang puwesto at naglakad palapit sa kaniyang closet. Inayos niya ang mga gamit niya roon na nagulo na dahil sa pamimili niya ng damit na dadalhin niya para sa tatlong araw na bakasyon niya.