“PLEASE COME IN!” aniya sa binata nang mabuksan niya ang pinto ng kaniyang Apartment. Niluwagan niya iyon. Nang pumasok si Uran ay ’tsaka niya isinarado ang pinto at naglakad palapit sa isang single couch. Inilapag niya roon ang bitbit niyang bag pati ang susi ng kaniyang Apartment. “Um, do you want coffee? Ipagtitimpla kita.” “Yeah sure. Thank you!” Anang binata. “Maupo ka na muna,” aniya at nagmamadali na siyang naglakad upang tunguhin ang kaniyang kusina. Mabuti na lamang din pala at naglinis siya kahapon ng kaniyang Apartment. Napalitan na niya ang mga kurtina niyang mahigit isang buwan na sigurong hindi niya nabibigyan ng pansin dahil sa abala niyang trabaho. Ang sofa naman niya ay nilagyan na rin niya ng cover dahil sa tuwing mapapatingin siya roon, awtomatik niyang naaalala an